Kabanata 65

55 1 0
                                    

Scars

"How are you feeling? Why don't you join us there?" Tanong sa 'kin ni Lynne saka umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Sa halip ay nanatili lang ang tingin ko sa apat na kasalukuyang nasa pool pa rin at nagbababad. Pasado alas dose na at tila wala yatang balak magpahinga ang mga ito. Sina Justine at Aya ay nag-uusap sa umbrella chair habang kami naman ni Lynne ay narito sa hammock malapit sa mini playground ni Zick.

"I'm fine, Lynne. Bakit ba tanong kayo nang tanong kung maayos ba ako?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Umihip ang malamig na hangin. Nanuot sa kaibuturan ko ang lamig na 'yon dahil basa na rin ako. Nang matapos kaming mag movie marathon kanina ay napagdesisyunan ng lahat na mag night swimming kaya napunta kami rito sa pool area.

I heard Lynne's sigh kaya napatingin ako sa kaniya. Seryoso ang ekspresyon nito.

"Because I know you're not. You've been quiet since you went out from the hospital. I just want to make sure you're really fine," puno ng pag-aalala nitong sinabi sa 'kin kaya natawa ako lalo.

"I'm fine, believe me. I'm just tired," tamad na sinabi ko sa kaniya at iniwas na ang tingin sa kaniya.

Tumingala ako upang makita ang buwan. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ramdam kong payapa ang aking puso. Tahimik ang isip ko at walang mga boses na nag-iingay roon. Wala akong ibang maramdaman kundi kapayapaan at hindi rin ako sigurado kung maganda ba iyon para sa 'kin o hindi. Pamilyar ang pakiramdam na ito. The last time I felt this was the time I learned about everything-from the truth that Kiel revealed to me back then, the fact that I miscarried Zick's twin, and when Daddy died. Ito na naman iyon.

"Do you know what happened to Calix?" I heard Lynne ask again.

Nanatili ang tingin ko sa buwan.

"He's uh . . . in prison, right?" I replied to her.

Iyon ang naaalala ko which is good. Sa wakas ay nahuli na rin siya pagkatapos ng lahat ng nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong nangyari nang araw na 'yon. Basta ang alam ko lang ay nagising ako sa ospital. May tatlong tama ng baril at ang sabi nila, kagagawan ni Calix-na hindi ko pinaniwalaan.

I heard Lynne's curses. Before I could utter any word, she interrupted me.

"Oh, my God, are you serious? Wala siya sa kulungan dahil patay na siya. Calix is dead. Sinabi ko na ito sa 'yo, 'di ba? Nakalimutan mo lang ba o hindi ka talaga nakinig sa 'kin?"

Natigilan ako nang marinig ko iyon. Tumambol nang husto ang dibdib ko nang mapagtanto ko ang mga sinabi niya. Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko at nilingon kaagad siya.

"What?" I asked her one more time.

"Calix is dead. He died when they rescued you that day. Pinaulanan ka niya ng bala kaya ginantihan siya ni Levi. Dead on arrival. Sina Uncle Henry at Enrique Lim ay nakatakas," paliwanag niya sa 'kin.

I immediately looked away from her again. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko ngunit wala akong kirot na maramdaman doon. Walang sakit. Walang kahit na ano. Siguro dahil mas nangingibabaw sa 'kin ang pagod ko.

Calix is dead? Ah, yeah . . . naalala ko na. Iyon nga pala ang unang ibinalita nila sa 'kin nang magising ako mula sa mahabang pagkakatulog. Bakit nakalimutan ko iyon? Bakit iniisip kong nasa kulungan lamang siya ngayon? Sino ang nagsabi sa 'kin na nasa kulungan siya? Bakit gano'n ang iniisip ko?

Was it because I don't want him to die like that? Was it because I don't want to accept what he did to me? Na hindi ko kayang tanggapin sa puso ko ang ginawa niya sa 'kin. I know what he did before. He hurt me physically. Dalawang beses tinutukan ng baril at ang isa ay hindi ako sigurado kung sinadya niya o aksidente. But he wouldn't want to kill me. Hindi niya ako kayang patayin. Hindi niya gugustuhing mamatay ako. Kilala ko siya. Hindi niya iyon magagawa sa 'kin. O ako lang ang nag iisip no'n?

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon