Attacker
Pinagmasdan ko ang lahat ng naroon. Karamihan ay ang mga malalapit kay Kuya at ang iba ay mga relatives na. Nabaling ang tingin ko sa pamangkin kong limang-taong gulang. Nakakapit ito kay Ate Jamilah at bagsak ang balikat na nakatingin sa harapan kung nasaan ang Daddy niya.
Napasinghap ako nang makita ko kung paano nito niyakap si Ate Jamilah at doon tuluyang umiyak. She knows what was happening. She's aware by her surroundings. Alam niya kung anong nangyari sa Daddy niya. Naiintindihan na niya kung ano ang mundong naghihintay sa kaniya at ang pakiramdam kung gaano kasakit mawalan ng tatay. And these feelings suck. Big time. This should be illegal but what should I do to prevent this from happening again and again? I don't have that power.
"Akala ko ay hindi ka pupunta."
Nilingon ko kung sino ang nagsalitang iyon at nakita ko si Levi. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa 'kin.
"Dito lang ako," tipid kong sagot sa kaniya na ang tinutukoy ang entrance ng burial chapel. Wala akong lakas ng loob upang sumilip at tingnan siya roon.
"Don't you want to say goodbye to him?" He asked me which made my heart sink.
"Does saying goodbye will change everything?" Balik kong tanong sa kaniya.
Tuluyan na akong lumabas mula roon at naupo sa waiting area sa labas. Sumunod si Levi at naupo sa tabi ko. Pagod na ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Ramdam ko ang panghihina pa rin ng lahat sa akin at tila hindi na alam kung kailan pa ito makakabawi ng lakas.
"No? But it can reduce the weigh and pain you feel," sambit pa nito kaya napangiti ako nang mapait.
I quickly opened my eyes and looked at him.
"Help me file a case against Henry De Ocampo again, Lev, nang sa gano'n ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kuya at ang nangyari kay Uncle Saldy." I suggested to him.
Saglit na tiningnan pa ako nito bago tumingin sa kung saan. Kumunot pa ang noo nito bago muling bumaling sa 'kin.
"Dad doesn't want to file a case against him. He wants revenge," simple nitong sagot sa 'kin.
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya ngunit agad na napatango nang maalala ko ang lahat kung bakit humantong sa ganito. Everyone wants to avenge something I didn't even know. At wala silang pakialam sa mga naaapektuhan. Minsan nakakapagod na ring maging bahagi ng pamilyang ito. Walang ibibigay sa 'yo kundi sakit at takot.
"But I'm willing to help you file a case nang hindi nila nalalaman lalo na si Lolo Samuel. Ano palang balita sa kaso ni Calix?"
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalang iyon. Halos mawala na sa isip ko ang bagay na iyon dahil sa lahat ng nangyari kaya naman hindi ko alam ang isasagot ko. Ilang araw na ring tumatawag sa akin si Lex at siguro ay tungkol doon ang ibabalita niya ngunit hindi ko ito masagot-sagot.
"I'll set a meeting with Lex this week. Hindi ko masagot ang tawag niya nitong mga nakaraang araw," sagot ko sa kaniya at tiningnan ko pa ito.
Nangunot ang noo ko nang mapansing wala sa akin ang atensyon nito kundi nasa kung saan. Nang sundan ko ang tinitingnan nito ay napatayo ako nang makita ko si Kiel at Eleanor na nag-uusap malayo sa amin.
"He knows Eleanor?" Levi asked me and also stood up.
Nagkibit-balikat ako, "Yeah, maiwan muna kita." Paalam ko sa kaniya.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at dahan-dahang tinawid ang pagitan naming tatlo. Nakita ko pa ang galit na ekspresyon ni Kiel habang may sinasabing kung ano kay Eleanor.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...