Kabanata 66

47 1 0
                                    

Eight weeks

"You're eight weeks pregnant, Acel."

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyon mula sa doctor ko mismo. Labis ang pagkalampag ng puso ko nang sinimulan niyang ipaliwanag sa 'kin ang sitwasyon ko ngayon. Ni wala akong maintindihan doon.

"You need to be very careful this time para hindi maulit ang nangyari sa 'yo noon. Look at this . . ." He commanded me and handed me a paper.

Tulala pa rin akong napatingin sa papel na iyon. Wala akong maintindihan do'n kaya takang tiningnan ko siya.

"What is this . . ." I almost whispered to myself.

"You're pregnant with twins that's why I told you, you need to be very careful at this time. Maselan ka pa rin magbuntis lalo na't kambal na naman ang dinadala mo. Kailangan mo magpahinga. You look so stressed," seryoso niyang sinabi sa 'kin at kung may anu-ano pang sinabi bago nagpaalam sa 'kin.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ng kuwarto kung nasaan ako ay tinawag ko siyang muli.

"Please, don't tell Kiel about it. I don't want him to know . . . yet."

Saglit pa niya akong tinitigan bago tuluyang tumango. Nang makalabas siya ay tuluyan na akong naiyak. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at pilit iniintindi ang nakakatakot na balitang 'yon. Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari noon. Ang kaibahan lang ngayon ay naagapan kaagad.

Nang makita namin ang dugong umaagos mula sa 'kin kanina ay agad akong sinugod ni Kiel sa ospital. Lumabas lang siya saglit para sagutin ang tawag ng Mommy niya kaya wala siya nang sabihin ng doctor ko ang balita. Which is good for me dahil ayokong malaman niya. Natatakot akong malaman niya. Natatakot ako dahil umaasa ako at ayokong pareho kaming umasa. Baka kasi hindi. Baka magkamali na naman ako at ipahamak ko sila. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na kapag nalaman ni Kiel.

Ilang minuto pa akong umiyak doon nang magdesisyon akong lumabas na. Ramdam ko namang maayos na ang pakiramdam ko at matinding pag-iingat lang ang kailangan. Nang makalabas ako ng kuwartong iyon ay kaagad na hinanap ng mga mata ko si Kiel. Lumiko pa ako sa hallway patungo sa lift at doon ko nakita ang likuran niya kaya dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya.

"She doesn't know. She doesn't need to know. Ang alam niya ay naaalala ko na ang lahat pero wala. Hindi pa rin."

Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nanatiling nakatalikod pa rin ito sa akin. Nasa tainga pa rin niya ang cellphone niyang 'yon.

"Hindi na niya kailangang malaman pa. Hindi ko nga sinabi, e! I don't want her to think of me anymore-!"

Hindi ko na tinapos pakinggang ang mga susunod niyang sasabihin at mabilis na tumalikod at naglakad palayo sa kaniya. I don't feel anything at all. Basta ay naramdaman ko na lamang ang pagsakit ng puson ko kaya napahawak kaagad ako roon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"No . . . Diyan lang kayo. Mommy's fine. I got this. Don't leave me." I repeatedly said to myself while walking away from him.

He lied to me. Again. Sabi niya ay naaalala na niya ako. We even celebrated it. He made me believe his lies again. Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit siya nagsisinungaling sa akin hanggang ngayon. Sino pa ang nakakaalam ng totoo? Sino iyong kausap niya? Bakit siya nagsisinungaling sa 'kin gayong alam na alam niya na ayoko sa mga sinungaling? Bakit pati siya ay niloloko ako?

Nagmadali akong tumungo sa sasakyan. Ramdam ko ang matinding bigat sa puso ko habang dumadagsa ang mga bagay na 'yon sa isip ko. Halos paliparin ko ang sasakyan ko, makauwi lang at para hindi niya ako maabutan.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon