Kabanata 41

64 1 0
                                    

Truth and Lies

No one warns me about him, not even about the pain he could cause me. Apparently, he holds a big part of my life that he's free to take away or not, but I hope he chooses the latter- that's what I was always praying before-that even after he rejected me repeatedly that night, I always include him in my prayers.

"Are you hungry? I'll cook something for you." Marahan niyang sambit sa 'kin habang yakap-yakap pa rin ako.

Tamad lamang akong tumango sa kaniya at hinayaan na siyang pakawalan ako-kahit na gusto ko pang manatili ang yakap niyang iyon sa 'kin.

"Are you okay? What are you thinking?" He asked me again.

Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya. Nakaupo na ito at matamang nakatitig sa akin. Hindi ko na makita ang ekspresyon nito dahil nakatalikod ito sa lamp shade. I suddenly want to pull him towards me nang sa gano'n ay makita ko siya nang maayos dahil wala akong contacts na suot ngayon. But I should stop myself from being clingy dahil alam kong hindi pa naman talaga kami maayos.

"Magluto ka na, Kiel. I'm fine here." Kaswal na sinabi ko sa kaniya at tipid na nginitian lamang siya.

Naramdaman ko ang pag gapang ng kamay nito sa braso ko pababa sa kamay ko. Hinawakan niya iyon kaya nanatili ang tingin ko sa kaniya.

"Gusto kong malaman palagi ang iniisip mo nang sa gano'n ay madali kong malaman kapag may nagawa akong mali." Marahan niyang sambit sa 'kin.

Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko habang sari-saring emosyon ang dumagsa sa akin.

After I kissed him earlier-na kaagad din naman niyang ginantihan ay hindi na ako nagpapigil pa. Na kung hindi lang tumawag sa kaniya si Jack ay hindi mapuputol iyon kahit pa pareho pa kaming mawalan ng hininga.

Nang sandaling maglapat ang mga labi namin kanina ay halos maramdaman ko siya sa akin. Ang pagka-miss namin sa isa't isa ay nagbigay sa akin ng nakakadarang na emosyon at panghihina. Ni hindi ko naramdaman na naihiga na niya ako sa kama dahil masyadong nakatutok ang atensyon ko sa bawat paggalaw ng labi niya sa labi ko at ang mainit at mabigat niyang paghinga sa akin.

That sensation seemed to give me a reason to go back to our past - our past that was printed in a book-which to this day, its page is still planted in my heart.

Umayos ako ng higa at ipinatong ko ang braso ko sa mga mata ko upang hindi niya makita ang mga luhang nagbabadya roon. I don't want him to see how vulnerable still I am when it comes to him. Na kahit anong pagmamatigas ko sa kaniya ay nababarag pa rin talaga niya ang pader na itinayo ko nang halos anim na taon.

"Gusto ko ng steak, Kiel. Matagal na kasi akong hindi nakakakain no'n. Puwede bang iyon ang lutuin mo?" I requested to him while my tears are falling silently.

Hindi ko ito narinig na sumagot. Sa halip ay naramdaman ko na lang bigla ang marahan niyang halik sa kamay ko at maya-maya pa'y sa ulo ko.

"Rest well," bulong niya pa.

Sunod na narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Marahas akong bumuntong-hininga at hinayaan na lamang ang sarili kong pumikit. Ramdam ko ang pagod ko nang gabing 'yon dahil sa sobrang daming nangyari at sobrang daming emosyon na kumawala sa buong pagkatao ko-na hindi ko alam kung hanggang saan na lamang ito.



Naalimpungatan ako nang may marinig akong kalabog na nagmula sa labas. Napatingin kaagad ako sa side table kung nasaan ang orasan. Pasado alas otso na. Ilang minuto lang ba akong nakatulog? Tapos na kayang magluto si Kiel?

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon