Other man
I could feel my heartbeat slowing as I entered the A&S building. My hands are already sweating because of the tight feeling but I keep my appearance calm. Diretso ang lakad ko patungo sa lift at pumasok kaagad doon nang magbukas ito. I was about to look at my cellphone when it beeped ngunit sa kalagitnaan ng pagsara nito ay nakita ko si Kiel at Eleanor. Ang tingin ni Kiel sa 'kin ay hindi naputol.
Marahas akong bumuga ng hangin nang makarating ako sa opisina ko. Pabagsak akong umupo sa swivel chair at sakto namang tumawag si Calix. Nanginginig ang kamay ko nang sagutin ko iyon.
"H-hey . . ." I uttered.
Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang naabutan ni Eleanor kanina sa labas.
"Hey, how are you? Kumain ka na ba?" Bungad na tanong nito sa 'kin.
Hindi ko iyon pinansin at sa halip ay iniba ko ang usapan.
"Are you busy? Are you expecting clients now?" I asked him as I tried to clear my throat.
Saglit na natahimik siya sa kabilang linya kaya ang hula ko ay nag-iisip pa ito. Maya-maya pa, may narinig akong ingay sa background niya bago siya muling tumikhim.
"Why? Do you have something in your mind? Wala naman akong client ngayon. May inaaral lang akong kaso pero tapos na," marahan niyang sagot sa 'kin kaya napangiti ako ngunit agad na nawala iyon nang may marinig akong katok.
"Can we go on a date tonight? I miss you." Hindi ko na napigilang sambit sa kaniya. "We have both been busy these past few days, e," I added.
Narinig ko ang ngisi niya sa kabilang linya habang naririnig ko pa rin ang sunod-sunod na katok. Hinintay kong pumasok sa Maurice.
"Of course, my love. Get dressed and I will pick you up tonight. See you," he gently said to me. Napatango lamang ako kahit hindi niya nakikita.
"I love you, Calix. See you," I said to him then I ended the call.
Nang inilapag ko ang cellphone ko sa table ay saka lamang huminto ang katok. Maya-maya pa ay bigla na lang iniluwa no'n ang nakangising si Eleanor. Agad na bumalik ang kaba sa dibdib ko ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.
"I believe you have no appointment with me today, Miss Lim. What brings you here?" Diretsang tanong ko sa kaniya at hindi na siya tinapunan ng tingin.
Nanatili ang tingin ko sa cellphone ko na umilaw muli dahil sa isang text. Nang buksan ko iyon ay muntik na akong mapatingin kay Eleanor dahil pakiramdam ko ay tinititigan ako nito.
Awtomatikong napakagat ako sa ibabang labi ko nang mabasa ko iyon. Hindi ko na sana rereplyan iyon ngunit may pumasok na namang text galing sa parehong numero. Alam kong sa kaniya iyon.
Nangunot ang noo ko roon at hindi alam ang gagawin. Imbes na replyan ko pa ay bumaling na ako sa laptop ko. Si Eleanor ay nanatili pa ring nakatingin sa akin. Kitang-kita ko iyon sa gilid ng mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...