Raging Fire
"I'm off for today, Mau. Wala naman akong important schedule today, right?" I asked her as she answered my call the next morning.
Saglit na tumahimik ang kabilang linya. Tila may ginagawa ito. Maya-maya pa, sunod na narinig ko ang pamilyar na boses kaya nangunot ang noo ko.
"Maurice?" I called her again dahil hindi pa rin niya ako sinasagot sa tanong ko.
"Uhm, Ma'am, sorry. Wala naman po kayong important schedule for today. It's just that . . ." She paused again and I heard that familiar voice again.
Umayos ako ng pwesto. Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard habang pinapakinggan nang mabuti ang pamilyar na boses na iyon.
"What is it? Sino ba ang kausap mo? I am still talking to you," naiirita ko nang sambit sa kaniya.
Maya-maya pa, tumahimik na at nawala na ang pamilyar na boses na iyon. Sunod na narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Maurice sa kabilang linya.
"Sorry talaga, Ma'am. Nandito kasi si Sir Calix, hinahanap po kayo. Ayaw niya pong umalis, e." Problemado nitong sagot sa 'kin.
Agad na kumalabog nang malakas ang puso ko nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Awtomatikong napahawak ako sa aking pisngi habang inaalala ang nangyari kagabi.
"Make him leave. Sabihin mong nag out of town ako." Pinal na sinabi ko sa kaniya at agad na pinatay ang tawag na iyon.
Marahas akong bumuntong-hininga habang ramdam ko na naman ang pag-usbong ng galit ko. Nagsisimula na namang uminit ang pisngi at ang sulok ng mga mata ko habang naaalala ko ang ginawa niya sa 'kin kagabi.
It's still swollen. Kaya ako nagdesisyong huwag na munang pumasok kahit Monday ngayon ay dahil sa malaking pasa sa pisngi ko. Nang umuwi ako kagabi ay ramdam ko pa ang hilo ko dahil sa nangyari. My nose bled that scary night. Malaking lalaki si Calix maging ang mga kamay nito kaya hindi malabong gano'n ang maging epekto sa 'kin nito. Hindi ko tuloy alam kung paano ako lalabas dahil dito. Kahit si Zick ay hindi ko nasundo kahapon kina Kuya dahil sa nangyari sa 'kin. Hindi nila puwedeng makita akong ganito.
Nanghihina akong tumayo mula sa kama ko. I went straightly to the bathroom only to see how wasted my face is. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita kong lalo yatang lumaki ang pasa ko roon at pumusyaw ang kulay nito. Halos bumakat pa ang buong palad ng Calix na iyon.
I cussed multiple times while trying to adjust myself. Lalong hindi ko malaman kung paano ako magpapakita sa mga tao sa ganitong sitwasyon. Madali lang naman para sa 'kin ang magkulong sa bahay pero hanggang kailan? Siguro akong hahanapin ako ng lahat lalo na ng anak ko . . . at ng tatay niya.
Naiinis na lumabas na ako mula sa kwarto ko at dumiretso sa kusina nang makaramdam na ako ng gutom. Saktong paglabas ko ay ang pagtunog ng cellphone ko kaya kinuha ko agad iyon. Nang makita kong si Lex ang tumatawag ay sinagot ko kaagad 'yon dahil alam kong importante ang sasabihin nito.
"Hi, Acel. Are you available today? Can you come to my office? This is about the case of your Dad." He greeted me as I answered his call.
Tuluyan na akong napamura nang marinig ko iyon. Padarag akong umupo sa high-chair sa kusina habang namomoblema.
"Is it urgent? I mean . . ." I paused and tried to think an excuse pero agad akong tinatamaan ng konsensya sa tuwing iniisip kong magsinungaling.
Kaya lang, paano ito?
"Bakit? Hindi ka ba puwede ngayon? Idi-discuss ko sana ngayon sa 'yo ang mga nakalap naming ebidensya kay Henry De Ocampo." Dagdag pa nito kaya lalo akong namoblema.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...