Kabanata 55

59 1 0
                                    

Had a child

Ilang minuto ko pang tinitigan ang message na iyon mula sa isa na namang unknown number

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang message na iyon mula sa isa na namang unknown number. Wala akong ibang maisip kung sino ito. Imposible namang si Calix dahil hindi siya puwedeng basta-basta magpakita sa kahit na sino dahil pinaghahanap din ito ng mga pulis.

I just shrugged it off then I continue cooking our breakfast. It's been a week since everyone has left our mansion. Gustuhin ko mang umalis na rin dito dahil hindi ko na kayang tumira pa rito, ngunit hindi ko naman magawa dahil walang maiiwan dito. This house is the only witness how happy our family was. Hindi ko ito magawang iwan.

Bumalik na sina Uncle Ronald kasama si Aunt Maris sa States habang si Maxim ay nagpaiwan dito at nasa condo niya nanatili. Levi has his own family already and will be leaving for Tierra Fima. Uncle Saldy and Aunt Criselda is currently staying at Casa de Acuzar. Uncle Raul and his wife is with Lolo Samuel and Lola Imelda sa isa pang bahay sa Manila. Hindi nila magawang bumalik sa States dahil sa mga kasong maiiwan. Avery is now married with her husband at malapit nang manganak.

May sari-sarili na kaming pamilya ngayon ngunit tila ako lamang ang kulang na kulang na. Gabi-gabi pa rin akong dinadalaw ng masamang panaginip at nagigising tuwing madaling-araw dahil sa takot na bangungutin na naman. Ni ayaw ko nang matulog.

Narinig ko ang mga yabag palapit sa 'kin kaya napangiti na ako dahil alam ko kung sino iyon.

"Mommy!" Zick yelled and run towards me.

Mabilis kong pinatay ang stove at sinalubong siya ng yakap.

"Good morning. How was your sleep?" I asked him and gently kissed his cheek.

Kinusot nito ang mga mata niya saka ngumisi.

"I dreamt about my twin brother . . ." He whispered to me.

Naalarma ako sa sinabi niya. Agad akong tumingin sa likuran niya at nakita ang kakarating pa lang na si Kiel. Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalingan ng tingin si Zick.

"Let's pray for him later. Don't talk about him, okay?" Mahinang sambit ko sa kaniya at muli siyang hinalikan.

Tumango lamang ito at sinabihan kong tumungo na sa dining area dahil kakain na. Nang mawala si Zick sa paningin ko ay si Kiel naman ang binalingan ko ng atensyon. Seryoso ang mga mata nito ngunit tipid ding ngumiti sa 'kin.

"Good morning." I greeted him.

Mapupungay ang mga mata nito na tumingin sa 'kin at agad akong nilapitan. He kissed me on my lips immediately at marahan naman sa noo kaya napangiti ako.

"Good morning. Another bad dream?" Tanong niya sa namamaos niyang boses.

Siguro ay nakita niyang nagising ako kanina pang madaling-araw at hindi na muling nakatulog pa. Tuwing gano'n ang nangyayari sa 'kin ay hindi ko na ginugustong matulog pa kahit pagod na pagod ang katawan ko. At palagi niyang nakikita iyon. Hindi ko alam kung bakit.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon