Kabanata 32

64 1 0
                                    

Feelings

It was so hard to be alive these past few days. I don't know when it started. I don't know how it started. The last time I checked, I was fine. Everything was fine and peaceful. Hindi na ako nananaginip ng masama. Hindi ko na napapanaginipan ang pagkakabaril kay Daddy noon at kung paano siya bumagsak sa harapan ko. Hindi ko na napapanaginipan ang kambal ni Zick na nawala nang dahil sa kagagawan ko. Hindi ko na napapanaginipan ang mga nangyari noon.

Na sa sobrang traumatizing ng lahat ay talagang hindi ko kinakaya kapag inaatake ako ng nakaraan.

But the past few days was so hard for me to spent. Unti-unti na namang bumabalik sa alaala ko ang lahat. I am starting to hear those screams inside my head again lalo na ang sigaw ni Dad sa pangalan ko nang gabing 'yon. Na sa sobrang sakit ay mas gusto ko itong alisin sa sistema ko ngunit hindi ko alam kung paano.

"Acel, wait, please, talk to me."

Kiel was chasing me until now, until we reached the parking lot of the law firm. Halos madapa-dapa ako makarating lamang sa kotse ni Lynne dahil sa mga nangyari sa loob. Ni hindi ko na inalam kung anong kalagayan ni Calix dahil sa pagmamadali kong makaalis.

Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghuli sa kamay ko dahilan para mapahinto ako. Mariin na pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at humarap sa kaniya.

"A-ano!" Halos sigaw ko sa kaniya dahil sa labis na iritasyon dahil sa ginawa niya.

Bakas pa rin ang labis na galit sa mga mata niya ngunit pinipilit na pigilan ang sarili dahil sa kaharap niya ako. His jaw is still clenching same as his fist.

"Where are you going?" Puno ng pasensya niyang tanong sa 'kin. His eyes were pleading while staring at me.

I bit my lower lip while staring at him as well. I can see so much pain and anger in his eyes. Pakiramdam ko ay lalong bumigat ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Na sa sobrang expressive ng mga mata niya ay sapat na sapat na iyon para malaman kung anong nararamdaman niya. Na hindi na kailangan ng salita dahil sapat na sapat na iyon.

Humikbi ako. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"I . . . I want to go home. I miss my son. Ako na lang ang mayroon siya kaya . . . kaya gusto ko nang umuwi," sabi ko sa kaniya habang pinipigilan ang paghagulgol ko.

Kumunot ang noo niya. His Adam's apple moved slowly. Saglit na lumayo ito ng tingin sa 'kin at muli rin akong binalikan.

"N-nandito pa ako." He uttered which broke my heart.

"N-nandiyan ka? You almost killed Calix! P-paano kung . . . paano kung napuruhan siya at mamatay? His relatives will fucking sue you! Makukulong ka! M-masasaktan na naman ang anak ko lalo na't kilala ka na niya! H-how will I supposed to tell him about this, huh?" I burst into tears thinking about what will happen next.

Nabitiwan ko ang kamay niya at sinapo iyon sa buong mukha ko. Paulit-ulit kong kinagat ang ibabang labi ko para lang pigilan ang hagulgol ko kaya halos dumugo na iyon.

"Dapat lang 'yon sa kaniya. Pinagtatanggol mo pa talaga ang lalaking 'yon?!"

"I'm not! I am thinking about what will happen to you when he recovers! Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang punto ko rito?" Sigaw ko sa kaniya na halos ikapaos ko na iyon.

Tumalim ang tingin nito sa 'kin. Nanggigigil niyang pinasadahan ng kamay ang buhok niyang 'yon at sunod-sunod na nagpakawala ng malulutong na mura.

"Then make me understand, Acel, dahil kung ako lang ay wala akong pakialam kahit makulong ako! I've been to jail for almost five years, wala nang kaso sa 'kin 'yon! Putangina . . ." He cussed multiple times again.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon