Crashed
"How are you, Mom?" Tanong ko sa kaniya habang nakatutok ang mga mata ko sa TV.
It's been three days since we lived here in his house. Tahimik, na kung wala lang si Zick ngayon ay hindi magiging maingay ang paligid dahil siya ang nagpapaingay nito. My Eizickiel is the reason why my silent life become noisy again since I left his father before.
"I'm fine, AJ. Huwag ako ang alalahanin mo. The case of Enrique Lim has been filed to the court. Ebidensya at statements na lang ng mga nahuli niyang tauhan ang kailangan para tuluyang madiin siya," sagot nito sa 'kin, tila walang emosyon ang boses niyang 'yon.
Pagod akong bumuntong-hininga at saglit na sinulyapan si Zick sa tabi ko na tutok na tutok sa TV dahil Cartoon Network ang pinapanood.
"Just leave it to Levi and Uncle Raul, Mom. Nasabihan ko na sila tungkol diyan. Magpahinga ka na lang diyan, you need it." Utos ko sa kaniya kahit na alam kong hindi naman ako nito susundin.
I know what she's thinking. Or do I?
"Makakapagpahinga rin ako, huwag kang mag-alala," she coldly replied to me.
Naramdaman ko iyon hanggang dito kaya kinilabutan ako. Pakiramdam ko ay may iba itong ibig-sabihin sa sinabi niya. Or am I overthinking things again?
Mariin akong pumikit.
"Don't you dare try to do something bad, Mommy? I'm telling you." Pakiusap ko sa kaniya.
Nahagip ng mga mata ko ang pag-upo ni Kiel sa tabi ng anak niya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Mommy laughed behind the line.
"Stop overthinking, AJ. I'm fine here. I will be fine."
Iyon na ang huling sinabi niya bago niya tuluyang pinatay ang tawag. I suddenly felt anxious about her condition. As much as I wanted to visit her, hindi ko magawa dahil alam kong hindi papayag si Kiel dahil sa nangyari noong nakaraang araw. He won't take risks. Kahit pa saglit lang ito.
Nang magtanghali ay panay pa rin ang kumusta ko kay Mommy. Hindi ko na tinantanan si Levi dahil naroon sila ng pamilya niya naka-stay sa ngayon.
Ramdam ko ang pagsusungit nito kahit text lang niya ang nabasa ko kaya napairap ako sa kawalan. Hindi na ako nag-abala pang replyan siya. Tamad akong tumungo sa kusina upang kumuha ng tubig dahil pakiramdam ko ay barado ang lalamunan ko.
I was thinking of talking to Kiel to visit Mommy earlier pero hindi ko magawa dahil hindi pa rin ako nito kinikibo. Dahil ito sa sinabi ng Eleanor na iyon sa kaniya. Nalaman ko kay Jack na sinabi ni Eleanor kaagad kay Kiel ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa nang araw na 'yon. Hindi ko alam kung galit ito o ano. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Nang pabalik na sana ako sa sala ay saktong nakasalubong ko siya na kagagaling lamang sa taas. Pinatulog niya siguro si Zick. Nang tingnan ko ito ay nahuli ko ang tipid na tingin niya sa 'kin bago niya ako nilagpasan. Tumungo siya sa kusina at may ginawang kung ano roon.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...