Surrender
Hindi ko alam kung ilang beses na itong nangyari sa 'kin- na dahil sa sobrang takot at kaba ay bigla na lamang akong nawawalan ng malay. Nang magising ako kanina ay halos atakihin ako habang naghihintay ng balita.
Kuya Roy was revived. He didn't die.
Ngunit ang nakapagpakaba sa akin muli ay ang sinabi ng doktor sa kanila. Na sa oras na maulit ang arrest ni Kuya ay posibleng hindi na nito kayanin iyon.
Matapos kong i-send iyon kay Avery ay umalis na ako sa pantry ng hospital. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng mga tuhod ko habang naglalakad patungo sa ICU kung nasaan si Kuya. Umangat lang ang tingin ko nang may biglang humawak ng baywang ko kaya halos mapatalon ako sa gulat.
"K-Kiel!" I hissed. "You startled me."
Hindi ito tumingin sa 'kin. Ramdam ko lang ang mas lalong pagpulupot ng braso niya sa baywang ko kaya tuluyan na akong huminto sa paglalakad. I looked at him wondering.
"S-stop." I told him as I was trying to remove his hand around my waist but he was persistent.
Bakas sa kaniya ang labis na pag-aalala.
"Saan ka nanggaling? Hinahanap kita," tanong niya at muling tinitigan ang kabuuan ko.
Naalala kong hindi nga pala ako nagpaalam sa kanilang lahat nang umalis ako sa kwarto kung saan ako nilagay nang mahimatay ako. Kaya siguro ganito siya.
"I just needed to get some water." Tamad kong sagot sa kaniya at nagsimula na muling maglakad. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko iyon.
Napataas ang kilay ko nang mabasa ko iyon. Pasimple kong sinulyapan si Kiel habang nagtitipa ng sagot para kay Avery.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...