Visitor
"I'm fine, Lynne. Stop overreacting." Tamad na sinabi ko sa kaniya at umirap sa kawalan.
I focused my gaze on the ceiling and heaved a deep sigh. Narinig ko rin ang marahas na buntong hininga ni Lynne sa kabilang linya.
"Are you sure you're still safe there? Bakit hindi na lang kayo umuwi rito? You can stay in our house, Acel." Puno ng pag-aalalang sabi niya sa 'kin at sinabayan pa ng mura.
Tiningnan ko ang anak ko na abala sa panonood ng kung ano. Seryoso ito at tila enjoy na enjoy. Maaliwalas nang muli ang mukha nito, hindi katulad noong isang araw nang mabungaran ko siya nang magising ako.
"We're safe here, Lynne," payak na sagot ko sa kaniya.
"How do you say so?"
"Dahil . . . nandito si Kiel." Halos bulong ko sa sarili ko at sigurado akong narinig niya iyon.
Ilang minuto ang lumipas bago siya muling tumikhim. Hindi ko man ito nakikita ngayon ay alam na alam ko na ang reaksyon nito kaya bigla akong nakaramdam ng hiya para sa sarili ko.
"What happened? Why suddenly-kumusta si Kiel?" Pag-iiba niya ng usapan kaya napailing na lamang ako.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa ceiling at tuluyan nang natulala roon. I was thinking of going home the other day dahil hindi ko talaga gusto ang amoy ng hospital ngunit hindi ako pinayagan ng doktor dahil kailangan pang i-monitor ang sugat ko. Ni hindi ko iyon namalayan nang nasa bar pa kami-that the pain from my gunshot wound wasn't even that bad dahil masyadong na-focus ang utak ko kay Kile. Kaya siguro hindi ko napansin.
"He's still recovering. Sa dibdib ang tama niya, dalawa pa," I simply replied to her and shut my eyes.
Naalala ko ang mga sinabi ko nang hindi pa ito nagigising. Maging ang sinabi ko para lang pigilan siyang huwag umalis at iwan kami rito. I still can't believe that I'll be able to say that to him in front of many people, sa harap pa ng mga pinsan ko at kaibigan niya.
I never thought about this. Damn it.
"At paano ka naman nakasisigurong ligtas kayo diyan?" Lynne asked.
Minsan talaga ay mahirap kausap ang babaeng ito.
"What's up with the sudden changes? I thought you were still mourning about your break up with Calix." Panghuhusga niya sa 'kin.
I swear, kung nandito lang ang babaeng ito ay sasapakin ko talaga ito.
"Stop mentioning him, Lynne. Napaka-insensitive mo naman!" Halos hiyaw ko sa kaniya. Nanatili akong nakapikit.
Narinig ko ang halakhak nito sa kabilang linya.
"I was just asking dahil masyadong biglaan ang lahat! Ano bang nangyayari sa 'yo? Minsan ay hindi na kita ma-gets. Mahal mo pa ba si Kiel?"
I was caught off guard by what she just asked. Agad na dumilat ako at napako ang tingin ko sa maliwanag na ilaw na iyon habang iniisip ang tanong niya. Sa sobrang biglaan ay hindi kaagad ako nakasagot.
I bit my lower lip.
"Bakit parang pinag-iisipan mo pa ang sagot? Dati-rati ay mabilis ka namang nakakasagot kapag tinatanong kita." Dagdag pa nito na tila inaasar na ako.
"Fuck you, Lynne. Stop asking me stupid questions. Hindi ito ang tamang oras para diyan." Puno ng iritasyon na sinabi ko sa kaniya.
"E, kailan pa? Madali lang naman ang tanong ko. Why suddenly feel safe with him? I can feel that you're not confused or what. Pakiramdam ko ay siguradong-sigurado ka nang sabihin mong ligtas kayo dahil nandiyan naman siya." Pagpapatuloy nito kaya tuluyan na akong napamura.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...