Kabanata 43

72 0 0
                                    

Completely Gone

"Ayos na ang pakiramdam mo? Bakit ang bilis yata?" I heard Caleb asked Kiel when we go downstairs.

Ramdam ko agad ang pag-init ng buong mukha ko nang maupo ako sa tabi ni Lynne. Hinawakan ko na lamang ang tiyan niya nang sa gano'n ay kumalma ang puso ko sa pagwawala.

"I'm fine. I'm not sick." Dinig kong sagot ni Kiel.

Bakit ba ang lakas ng boses nila pag nag-uusap? Nakakairita!

"Really, huh? Inaapoy ka ng lagnat kanina lang tapos ngayon ay maayos ka na?" Caleb mockingly said to him kaya halos lapitan ko siya para sapakin lamang.

"Tita called me, tinanong niya kung nasaan na kayo," Lynne said to me while still caressing her tummy.

Bigla ko tuloy naalala noong ipinagbubuntis ko si Zick . . .

"Anong sinabi mo?" Tamad kong tanong sa kaniya at humilig pa sa balikat niya. Hindi na naitago ang pagod sa boses ko kaya napangiwi ako.

"Sinabi ko kung nasaan kayo. Okay na kayo?" She asked again which made me look at her.

"Ha?"

Kumunot ang noo nito at pinagmasdan ako nang mataman.

"Okay na sa kaniya si Kiel? They were asking about you and Kiel at alam din na magkasama kayo," she simply said to me.

Napatango lang ako at umayos na ng upo. I shut my eyes closed and continue caressing her tummy.

"Matagal na nilang alam but I can still feel the awkward feeling between them and Kiel. Lalo na't alam nila ang tungkol sa Dad nito." Tamad ko pa ring sagot sa kaniya.

"You look tired, huh. Hindi ka ganyan nang dumating ka rito." Makahulugang sambit sa akin ni Lynne.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagsungaw ng ngisi ko. As much as I want to deny it to everyone even to myself, hindi ko magagawa dahil paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang ginawa namin ni Kiel kanina. We're not young anymore. 28 na ako at nasa 30 na si Kiel kaya alam ko na ang ginagawa ko.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit agad na bumigay na naman ako sa kaniya samantalang todo ang tanggi ko noon kay Calix sa tuwing napag-uusapan namin ang bagay na ito. Na isa sa mga hinanakit sa 'kin ni Calix nang maghiwalay kami. Pero pagdating kay Kiel ay ganito pa rin. Parang noon lang. The younger version of me that was madly in love with him is slowly coming back again. Nagsisimula na akong matakot.

"Shut up, Lynne." I lazily told her. I just heard her chuckle.

"What's your plan? Bakit ka nagpunta rito?"

Naririnig ko na naman ang malakas na pag-uusap nina Caleb at Kiel. Ang hula ko ay nasa harapan na namin ito, nakaupo.

"I told you I wanted to talk to Celina. I just want to propose her something." Kiel answered.

I immediately open my eyes and focused my gaze onto him. Seryoso ang ekspresyon nito at nanatiling nakatutok sa akin ang tingin na ang hula ko ay kanina pa niya ginagawa habang nakapikit ako.

What is he thinking? At ano ang proposal na sinasabi niya?

"What is it then?" Miko suddenly appeared from behind kaya napatingin ako sa kaniya.

May kakaiba talaga sa lalaking ito. Hindi ko lang malaman kung ano iyon.

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa tabi ni Kiel na pinagigitnaan na nila ngayon ni Caleb. I suddenly smiled while staring at them. Sayang nga lang at wala si Asher ngayon. Siguro ay nasa Tierra Fima pa sila.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon