Chase
"Hush. Don't make any noise, okay? Stay quiet," kalmadong utos ni Kiel sa anak niya habang ako ay hindi na alam kung paano pa kakalma.
They are still outside! Kung saan banda ay hindi ko na alam. Basta ang alam ko ay narito lang sila malapit sa amin. They want us to show up kaya naman halos mabaliw na ako sa takot hindi para sa sarili ko kundi para sa anak ko.
"Kiel, anong gagawin natin? Should we call the police? Paano kung makita nila tayo rito?" Tanong ko sa kaniya habang pilit na kinakalma ang sarili ko.
Kinuha ko sa kaniya si Zick at niyakap ito nang mahigpit. Wala man siyang alam sa nangyayari ay nararamdaman ko ang takot nito dahil kanina pa ito tahimik. Nang binalingan ko si Kiel ay tila may kinukuha ito sa bulsa niya. Nakita niyang nakatingin ako sa ginagawa niya.
"I'm going to call Kuya Jack," mabilis niyang sambit.
Tinanguan ko na lamang siya. He started dialing some number at maya-maya pa ay may kausap na ito sa telepono.
"They're here! Hinahabol nila kami. Sigurado akong mga tauhan ito ni Enrique Lim. Kasama namin si Zick, Kuya." Sabi ni Kiel na pinipilit pababain ang boses.
"Of course! We need back up here. Dito sa bahay ko. Ngayon na," mariin niyang sinabi bago patayin ang tawag.
Kumunot ang noo ko dahil sa huling narinig.
"Back up? Anong back up?" Takang tanong ko sa kaniya.
Hindi ito tumingin sa 'kin at patuloy ang pagmamasid sa paligid. Nasa labas na kami at nagtatago sa isang tila kweba. Iniwan namin ang kotse malayo sa kinaroroonan namin ngayon dahil masyadong delikado kapag nanatili kami roon.
Nang hindi niya pinansin ang tanong ko ay hinila ko ang kamay niya kaya tuluyan na siyang tumingin sa 'kin.
"What do you mean by backup?"
Tumigas ang ekspresyon nito at nag-igting ang panga.
"They need a warning. Kung hindi nila lalayuan ang pamilya ko, ako mismo ang bubura sa kanila sa mundong 'to," he firmly said to me which made me nervous even more.
Bago siya umiwas ng tingin sa 'kin ay nakita ko pa ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mga mata. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang ganito. Ang una ay iyong muntik na akong barilin ni Calix kung hindi lang siya dumating. Hindi ko alam kung makakampante na ako dahil kayang-kaya niya naman kaming protektahan o mas matatakot pa dahil baka pati siya ay mapahamak sa gagawin niya.
Ilang minuto pa kaming nakatago roon at ramdam ko ang paghihirap ni Zick dahil pawis na pawis na ito. Gustuhin ko mang ilabas siya para kahit papaano ay mahanginan ngunit hindi ko magawa lalo na nang may marinig na naman kaming sunod-sunod na putok ng baril. Tinakpan ko ang dalawang tainga ng anak ko at tumingin kay Kiel.
"What's happening, Kiel?" Tanong ko sa kaniya. Kasalukuyang nakasilip ito sa labas.
Hindi siya sumagot. Maya-maya pa ay nagulat ako nang tumambad sa akin ang mukha ni Jack at ang kapatid nitong si Benjamin. Pareho itong nakasuot ng itim na mga damit at pants. I met Jack's gaze and he smiled at me. Hindi iyon normal na ngiti.
"Kayo lang?" Kiel asked them.
"Puwede ba 'yon?" Jack answered him.
Niyakap ko si Zick paharap sa 'kin upang hindi makita ang mga nangyayari. Lalo na nang iabot ni Jack ang isang baril kay Kiel kaya laglag ang panga kong tumingin sa kanila.
"What are you trying to do, Kiel?" Pagbabanta kong tanong sa kaniya.
Jack smirked. Lumingon sa akin si Kiel at inabot ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomansaSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...