At the same time
"Hinayaan mo na lang muna dapat ako," mariin na sinabi ko sa kaniya at iniwan na siya roon.
Mabilis akong naglakad palayo sa kaniya. Ramdam ko ang pagpupuyos ng galit ko nang makita ko siya at ang pagka-miss ko sa kaniya. I suddenly want to hug him right after I saw him walking towards me earlier. Ngunit mas nangingibabaw ang galit ko na nagbigay sa 'kin ng dahilan upang huwag siyang harapin lalo na sa harapan ng Noah na iyon.
Halos takbuhin ko ang daan pabalik sa townhouse. Nang makarating ako roon ay dumiretso ako sa kuwarto ko. Halos kalabugin at masira ko pa ang pinto nang makapasok ako dahil sa labis na galit.
Sino ang nagsabi sa kaniya kung nasaan kami? Bakit kailangan niyang sumunod gayong wala naman akong sinabing sundan niya kami?! Bakit lagi na lang umaayon sa kaniya ang ganitong pagkakataon?
Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng sulok ng mga mata ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at nagtalukbong ng kumot at doon umiyak nang umiyak. This feeling have been so hard for me to express. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng puso ko na kahit anong iyak at pahinga ang gawin ko ay hindi iyon mabawas-bawasan. And the fact that I still need to be very careful because of my condition right now makes me think of just locking up myself here at hindi na lalabas pa kahit kailan.
Maya-maya pa, narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto at ang pagsara muli no'n. Pumikit ako nang mariin. I know who that is. Naaamoy ko na agad siya kahit pa nakatakip ako ng kumot ngayon. My pregnancy hormones is giving me a hard time and at the same time, I am honestly loving this dahil pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati noong ipinagbubuntis ko si Zick. Pero ang takot sa puso ko na baka hindi ko na naman sila maalagaan nang maayos ay hindi pa rin mawala-wala. At habang patagal nang patagal, lalong lumalaki iyon. Lalong tumitindi.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa tabi ko kaya lalo akong napapikit dahil sa kabila ng galit na nararamdaman ko para sa kaniya, gusto ko pa rin siyang yakapin at hawakan. Gusto ko siyang makita. Miss na miss ko na siya at ramdam na ramdam ko iyon sa puso ko. Pero sa tuwing naiisip ko na hindi pa niya ako naaalala, tila nagiging dahilan iyon kung bakit kailangan ko munang dumistansya sa kadahilanang hindi pa ako sigurado sa kung anong magiging tingin niya sa 'kin. I don't know. I feel like I lost all my trust towards the people that surrounds me. Pakiramdam ko ay laging may pagdududa sa 'kin.
"Hey . . ." He called me in his raspy voice.
Naramdaman ko ang pagpigtas ng pasensya ko nang marinig ko lang ang boses niyang 'yon. It was still an eargasm for me. Still is. Kahinaan ko pa rin talaga ang boses niya mula pa man noon hanggang ngayon.
"I'm sorry . . . Please, talk to me." Pagsusumamo niya sa 'kin.
Humigpit ang hawak ko sa kumot habang mariin pa ring nakapikit. Hindi ako sumagot dahil alam kong garalgal ang boses ko nang mga oras na 'yon.
"What did I do? Please, tell me so I can make it up to you. Hindi 'yong ganito na aalis ka na lang bigla-bigla." Dagdag pa niya.
Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Padarag akong umupo at hinarap siya. Saglit pa akong natigilan nang makita ko nang maayos ang kabuuan niya. His stubbles are slowly growing. Parang ilang araw lang mula nang umalis ako, malinis pa ang parteng iyon ng mukha niya. Malalalim din ang mga mata nito na tila hindi pa natutulog. His eyes were full of guilt, pain, and pleading. Namumungay ito at namumula.
Ramdam ko ang pagkurot ng konsensya sa puso ko nang makita ko ang ekspresyong binibigay niya sa 'kin ngayon.
Ganito ba siya sa tuwing iniiwan ko siya nang walang paalam?
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...