Kabanata 63

55 1 0
                                    

Response

"Calix is dead."

That was the first thing I heard when I woke up that day from a very long sleep. Mahaba at matagal, dahil iyon ang naging pakiramdam ko nang magising ako. Hindi ko alam kung ano ang una kong mararamdaman nang araw na 'yon; ang pisikal na sakit galing sa mga sugat ko o ang emosyonal na tila sa tuwing iisipin ko ay wala naman akong gaanong maramdaman.

Dahil hindi ko maalala ang mga nangyari. Ang tanging huling naaalala ko lamang ay ang niyakap ako ni Kiel nang araw na iyon at tuluyan nang naiyak sa sinabi niya. Pagkatapos no'n ay wala na. Blangko na sa isip ko ang lahat.

I learned about what happened the day I was shot by the person I trusted before. It was intense and unimaginable. Na kung iisipin ang katauhan na ipinakita sa akin ni Calix nang mga panahon na magkasama kami at paulit-ulit na ipinaramdam sa 'kin kung gaano niya ako kamahal, hindi ko magawang paniwalaan. Hindi ko kayang paniwalaan.

"Bakit hindi ko maalala? Did he really shoot me to death?" I asked her while staring at nowhere.

Ramdam ko ang kakaibang katahimikan sa puso ko. Nakakabingi iyon ngunit nakakatakot.

"Sabi ng doctor mo, it's a trauma response." Lynne simply said to me which made me look at her.

"Trauma response?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Sinasabi mo bang ginusto kong kalimutan 'yon, e wala nga akong maalala." Dagdag ko pa.

Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Isang buwan na lang ay manganganak na ito kaya bakas na sa kaniya ang paghihirap niya sa tuwing kikilos ito. Sinundan ko lang siya ng tingin nang tuluyan na siyang lumapit sa 'kin mula sa sofa kung saan siya nakaupo kanina.

"You were so shocked because of what happened. Nagising ka at nagwala pagkatapos ng operasyon mo. You even pulled out your IV and tried to runaway. Maging si Kiel ay hindi ka napakalma."

Natigilan ako sa sinabi ni Lynne. Hindi ko alam kung agad akong maniniwala sa sinabi niya dahil kahit isa sa mga sinabi niya ay hindi ko maalala. Ngunit bakas sa ekspresyon nito na hindi siya nagbibiro.

At the nth time, I felt nothing but confusion. I felt nothing but emptiness. I felt nothing like I am an emotionless person. Wala akong ibang maramdaman. Blangko. Tila wala na akong laman nang mga oras na iyon. Ang pagod na nararamdaman ng katawan ko ay tila nag-uudyok sa 'kin na huwag nang alalahanin pa ang lahat. Ni hindi pumasok sa isip ko ang balitang iyon tungkol kay Calix.

Matapos naming mag-usap ni Lynne ay saka dumating si Caleb kasama si Kiel. Natutok ang mga mata ko sa kaniya nang umupo ito sa tabi ko at tinitigan ako. His eyes were full of compassion. Hindi pa rin ito nagbabago.

"Why are you looking at me like that?" Takang tanong ko sa kaniya.

Ramdam ko sa puso ko ang kaligayahan ngunit mas nangibabaw roon ang pagod na ipakita iyon sa kahit na sino, kahit pa sa kaniya.

"Why?" Takang tanong niya rin sa akin.

"You were looking at me as if I am the only person around you. Naaalala mo na ako?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Yumuko ito at agad na kinuha ang kamay ko. Ramdam ko ang init sa kaniyang palad nang lumapat iyon sa kamay ko, saka muling bumaling sa 'kin ng tingin.

"I told you, my heart still remembers you. Kumusta na ang pakiramdam mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pagod na ngumiti.

"Empty . . ." Bulong ko sa sarili ko na sigurado akong narinig niya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon