Kabanata 71

52 1 0
                                    

Closest friends

"Are you staying here with us, Daddy?" Zick asked his Dad while they were busy watching cartoons.

Nanatili akong nakatayo at nakasandal sa hamba ng pintuan habang tahimik na pinagmamasdan silang dalawa. Kanina pa ito magkasama at tila iniiwasang makipag-usap sa 'kin. Siguro ay dahil pa rin sa nangyari at sa mga sinabi ni Noah noong nakaraang araw. Simula no'n ay malamig ang pakikitungo nito sa 'kin na hindi ko maintindihan.

"Of course. Why?" Kiel asked him back.

Nakita ko ang saglit na paglingon sa kaniya ni Zick bago muling bumaling sa TV ang tingin.

"Don't leave Mommy again. She's sad. She cries every night. Lalo na po noong wala ka pa."

Nagulat ako sa sinabing iyon ng anak ko. Hindi ko alam na iyon ang iniisip niya at hindi ko alam na naririnig niya ako sa tuwing umiiyak ako gabi-gabi. I didn't expect him to be this observant dahil madalas ay wala itong kibo just like his Dad. Bigla kong naalala ang kondisyon ni Kiel ngayon. He doesn't remember anything about us. Ibig-sabihin ay hindi niya rin naaalala ang nangyari at nalaman niya bago mangyari ang aksidente sa kaniya-about Zick's twin that died because of what happened before.

Noong nalaman niya ito ay alam kong masyado siyang nasaktan ngunit pinilit niyang hindi ipakita sa 'kin iyon. Ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na malaman niyang muli ang tungkol doon.

I bit my lower lip to suppress my emotion and left them there. Diretso akong tumungo sa labas nang hindi nila napapansin. Pakiramdam ko ay biglang may sumasakal sa 'kin habang pinagmamasdan silang dalawa habang nag-uusap nang gano'n.

Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa baba ng town house. I decided to take a walk under the cold wind. Hindi na masyadong mainit dahil hapon na nang mga oras na iyon. Nililipad ang buhok ko ng hangin maging ang dress na suot ko.

Nang tuluyan na akong makalayo sa malawak na bukirin ay tumambad sa 'kin ang sapa na nakita ko noong nakaraang araw. Sa dulo no'n ay isang talon na patuloy ang agos ng tubig pabagsak sa baba. Amoy na amoy ko rin ang presko ng tubig at sigurado akong malamig iyon. Suddenly, my mood calmed down as I've watched the falls. Nanatili akong nakatayo roon hanggang sa may marinig akong mga yabag patungo sa 'kin.

"Hindi ka dapat naglalakad mag-isa sa ganitong lugar. This is very dangerous for you."

Bago ko pa lingunin kung sino iyon ay nakarating na siya sa tabi ko. Napatingin pa ako sa kabuuan niya nang mapansin kong hindi ito nakaayos. He's not wearing something on his upper body, nakasampay sa balikat niya ang damit niya. Naka-bota ito at nakapantalon. May dala rin itong sako kaya nangunot ang noo ko.

"What are you doing? Bakit ganyan ang itsura mo?" Takang tanong ko sa kaniya.

He just blankly stared at me for a second at ibinaba sa lupa ang hawak niya. Nagsuot ito ng damit saka muling tumingin sa 'kin.

"Why aren't you telling him about your condition?" Balik nitong tanong sa 'kin. My forehead is still furrowed.

"Condition?"

"You're pregnant, right? I accidentally saw your medicines and vitamins nang maiwan mo ang mga 'yon sa kusina," kaswal na sinabi niya sa 'kin at umupo sa lupa kung saan siya nakatayo kanina. Nakaharap siya sa malinaw at malawak na sapa na iyon.

Napanganga ako nang marinig ko ang sinabi niya. Naalala ko ang araw na tinutukoy niya. It was the same day that Kiel arrived here. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na iyon nagawang balikan at nakalimutan na. Nagulat na lamang ako nang makita kong nasa lagayan ko na muli iyon. Siya kaya ang nagbalik?

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon