Absence
"Happy birthday, AJ! They are getting bigger na!" Excited na bati sa 'kin ni Alyanna nang makarating siya kasama si Asher.
Natawa lang ako saka tiningnan din ang tiyan niya.
"Kailan ang labas nito?" Tanong ko at nagpasalamat sa pagbati niya sa 'kin.
"By next week puwede na." Asher answered and handed me a paper bag na agad ko namang tinanggap. "Happy birthday."
"Thank you. Nag abala pa kayo. Get in, nasa loob na ang iba." Paanyaya ko sa kanila at sinamahan na silang pumasok.
Nang maihatid ko sila sa main door ng mansion ay bumalik ako sa labas kung nasaan ang malawak na hardin ng Casa de Acuzar. Tumingala ako sa langit at napapikit nang sandaling umihip ang malamig na hangin. It was calm but a gloomy night. Ngayon ang celebration ng birthday ko at napagdesisyunan ng mga pinsan ko at ng iba na intimate dinner lang at pagkatapos ay puwedeng mag-inom. May inihanda sila sa likod ng Casa.
"Why are you here? Nagsisimula na sila sa loob."
Nilingon ko ang nagsalitang 'yon at nakita ko si Lynne. Napangiti ako at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Parang hindi nanganak ang babaeng ito dahil sa itsura niya. Nakakainggit. Pakiramdam ko tuloy ay mataba na ako.
"Inaabangan ko ang iba pang mga bisita," sagot ko sa kaniya at ibinalik ang tingin sa langit.
Iilan lang ang mga bituin doon. Napapaligiran ng mga ito ang buwan na nagsisilbing liwanag ng lahat.
"Wala nang dadating, Acel. Nasa loob na ang lahat. Hindi pa ba kayo maayos ni Kiel?"
Sa puntong iyon ay napaismid na lamang ako nang maalala ko ang lalaking iyon. Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Mag-uusap lang kung importante pero iyong katulad ng dati ay hindi. Hanggang ngayong birthday ko ay gano'n pa rin. I'm somehow expecting him to talk to me at alam kong bibigay na ako ngayon pero hindi. Wala siya ngayon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta. Nagpaalam ito kanina na aalis ngunit hindi sinabi kung saan pupunta.
"He's out of nowhere, Lynne. Hindi ko alam sa kaniya," walang gana kong sagot sa kaniya at bumaba na ng tingin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa 'kin sa balikat.
"Alam niyang birthday mo ngayon. He will never miss this. Now, let's go inside," she said to me and guided me in kaya wala na akong nagawa.
Nang makarating kami sa likod ng Casa kung nasaan ang malawak na area ay tumambad sa 'kin ang ginawa ng mga pinsan ko. May red carpet sa gitna ng buong area at sa dulo no'n ay isang mini stage. Mataas iyon at may mga LED lights buong paligid. Dim ang mga ilaw nito at may naririnig din akong tumutugtog.
"Is this live? The music, I mean," tanong ko kay Lynne. Narinig ko siyang tumawa.
"We have something for you," bulong lang niya at may itinuro sa bandang gilid malapit sa table ng mga pagkain at inumin.
Nalaglag ang panga ko nang makita ko sina Caleb, Asher, at Miko. May mga dalang gitara ito maliban kay Asher. They are playing some slow music that I'm not familiar with. What is this?
"Happy birthday!" Sigaw bigla ni Celine kaya napatingin ako sa kaniya. Tila lasing na ito. Lumapit ito sa 'kin at inangkla ang braso niya sa braso ko.
"Stop overthinking and enjoy your night, hmm? Let's party!" She yelled at bigla na lamang akong hinila.
Narinig ko ang hiyawan ng iba ko pang mga pinsan. Saka ko lang napansin na pinaupo na ako ni Celine sa upuang nasa mini stage kaya kitang-kita ko ang lahat. Si Levi at Astraea na malawak ang ngiti na nakatingin sa 'kin at tila nag-e-enjoy sa tugtog na pinakikinggan. Nakahawak pa ito sa baywang ng huli. Nang mapadako ang tingin ko sa isa pang gilid ay nakita ko si Jaxon, Maxim, at Celine. Naroon din sina Lucas, Rio, Alana, at Abraham. Sa kabilang gilid pa ay sina Lynne, Alyanna, at Justine. Nakaramdam ako ng hiya nang mapansin kong lahat sila ay nakatingin sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...