Voiceless
"Acel! Acel, please, wake up. Don't fucking close your eyes!"
I heard Kiel's frustrated voice. Sa kabila ng mga putukan na naririnig ko sa paligid ay ang boses niya ang nangibabaw lalo na nang magpakawala ito ng malulutong na mura.
"Fuck! Fucking call an ambulance, now! May tinamaan dito!" Sigaw niya ulit.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang matinding sakit sa kaliwang dibdib ko. Sobrang init nito na tila unti-unting nasusunog.
"K-Kiel . . ." I tried to call him and reach for his hand but I am too weak.
Maya-maya pa ay nagmura muli ito bago tuluyang bumaling sa 'kin. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya akong dilat na.
"Oh, fuck! Oh, fucking . . . Don't close your fucking eyes, please. I'm here. Nagpatawag na ako ng ambulance. I'm here, baby. Don't sleep yet, come on." Nagpa-panic niyang sinabi sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit.
Patuloy pa rin ang pagbabarilan at tila mas dumami iyon ngayon. Nang ilayo ako ni Kiel sa kaniya ay nakita ko ang maraming dugo sa dibdib niya. Bigla kong naalala si Zick kaya ako naman ang nag panic dahil sa pag-aalala kahit pa matinding sakit na ang nararamdaman ko.
"S-si Zick, Kiel! Si Zick, puntahan mo siya, please!" I begged him at mahigpit na humawak sa damit niya.
Sunod na naramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko na parang anumang oras ay mawawalan ulit ako ng malay. Maya-maya pa, bago ko pa marinig ang sagot ni Kiel ay narinig ko ang boses nila Uncle Raul, Levi, at iba pa. Nang dumako ang tingin ko sa entrance ng chapel ay nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may mga hawak nang baril ang mga ito at tila handa na ring makipag-palitan ng putok sa mga hindi pa nakikilalang armadong mga lalaki.
"Sabihin ninyo sa boss ninyo ay siya ang humarap sa 'min! Habang buhay na lang ba siyang magtatago at kayo ang ipapain sa mga pulisya?!" Uncle Raul shouted when the rained bullets have stopped suddenly.
Napatingin ako kay Kiel. Nakatingin din ito sa kanila habang pilit na itinatago ako sa nakaparadang kotse. Sinubukan kong tumayo kahit ramdam na ramdam ko ang panghihina ko kaya naalarma si Kiel sa ginawa ko.
"Acel, no! What are you doing?" Galit na tanong niya sa 'kin.
Hindi ko ito sinagot sa halip ay ibinaling kong muli ang tingin ko sa pamilya ko. Kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata ng bawat isa. Nagulat pa ako nang maging sina Jaxon at ang Daddy nito ay naroon.
"Stop being so full of yourself, Raul. Lahat tayo ay alam kung gaano na nanginginig ang mga tuhod mo sa sobrang takot tapos ay hahanapin mo pa si Uncle Henry? Still trying hard to be like Saldy until now?"
Natigilan ako nang marinig ko iyon. Awtomatikong tumutok ang tingin ko sa nagsalita ngunit hindi ko makilala ang lalaking iyon dahil hindi naman ito pamilyar sa 'kin. Pero bakit kung makapagsalita ito ay parang kilalang-kilala niya ang magkakapatid?
"You can't provoke me anymore, Eleazar! Kung sinusubukan ko pa ring maging si Kuya Saldy ay kanina ka pa walang buhay dahil ako mismo ang papatay sa 'yo," mariin na sagot sa kaniya ni Uncle Raul kaya nagulat ako.
Sa isang iglap ay hindi ko na ito makilala.
"Acel, please, stop fucking moving and just stay here. Let's just wait for the ambulance to arrive. You're losing a lot of blood!" Halos hiyaw na sa 'kin ni Kiel dahil sa kakulitan ko.
Napatingin ako sa kaniya at sa dugong umaagos mula sa kaliwang dibdib ko. Nang mga sandaling iyon ay hindi na ako makaramdam, tanging init na lamang sa parteng iyon. I know by this time; I am numb already. He's right. I am losing a lot of blood but I feel like I can still do this. I can still stop this.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...