I might stop forgiving
It has been two weeks since we took Kuya Roy to his grave. Ang lugar na iyon na ayoko na sanang balikan pa. Na nangako ako sa aking sarili na hinding-hindi ko na iyon babalikan pa pero hindi Niya ako pinagbigyang tuparin iyon para sa aking sarili.
Hinding-hindi na ako babalik pa sa lugar na iyon dahil sisiguraduhin kong matatapos na ang gyera na ito.
Walang gana akong bumaba mula sa kuwarto ko para mag almusal na. Hindi ko na naabutan ang dalawa sa tabi ko kaya ang hula ko ay maagang nagising ang mga ito. We decided to just stay here for a while nang sa gano'n ay may kasama si Mommy. Ayaw ko mang manatili rito ngunit ayoko rin namang iwan siya rito. Alam kong hindi pa siya maayos. Baka kung ano lang ang gawin niya.
"Mary, nasaan ang Sir Kiel mo at si Zick?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay namin na nadatnan ko sa kitchen.
Kumuha ako ng tubig sa ref at diretsong ininom iyon.
"Nasa dining area na, Ma'am. Kanina pa po kayo hinihintay ng lahat," sagot nito sa 'kin kaya takang tiningnan ko siya.
"Lahat?"
"Umuwi po ang Lola at Lolo ninyo kasama sina Sir Raul at iba pa," sagot nito.
Tumango na lamang ako sa kaniya bago siya iwan doon. Ano kayang mayroon at bakit narito na naman sila? Buong akala ko ay matapos ang lahat ng nangyari ay babalik na sila sa States. Bakit sila narito?
Nagmadali akong naglakad patungo sa dining area. Bago pa ako tuluyang makita ng lahat ay naririnig ko na ang baritong boses ni Lolo Samuel na tila may kausap kahit na siya ang nagpatupad ng rule na iyon na bawal mag-usap sa harap ng hapagkainan.
"Nakasisiguro ba kaming hindi ka gaya ng ama mo? Or maybe like before you still have bad intentions with my granddaughter?" Dinig kong tanong nito sa kung sino.
Nangunot ang noo ko. Hindi ako sigurado sa kung sino ang kausap nito ngunit may masama akong kutob. Alam na alam ko ang sinasabi niya.
"Matagal hong nawala sa amin si Dad. What happened five years ago is out of my control. I was brainwashed that time. Isa pa, napawalang-sala na ho ako, Don Samuel, and I can still prove my innocence to Acel if that's what everyone needs," kalmadong sagot ni Kiel.
Ramdam ko ang pag-usbong ng galit ko dahil sa naririnig ko lalo na nang maalala ko ang anak ko. Sigurado akong naroon ito ngayon at posibleng naririnig ang mga sinasabi ni Lolo tungkol kay Kiel. What the hell is he thinking?!
Sunod na narinig ko ang pagkalansing ng mga kutsara't tinidor ng kung sino at ang paghalakhak ni Lolo nang sarkastiko kaya lalo akong nainis.
"We honestly don't need that, hijo. We just want to protect Acel and also her son. Hindi pa rin maaalis sa 'yo ang maintindihan mo ang rason ng ama mo, pero ito ang paalala ko sa 'yo, hindi lahat ng naririnig o nakikita ninyo ay totoo."
Sa puntong iyon ay lumabas na ako at diretsong tumungo sa kanila. Awtomatikong tumutok ang mga mata sa akin ng lahat lalong-lalo na si Kiel at Lolo Samuel. Nang sinilip ko ang tabing upuan niya ay tama nga ako, naroon si Zick at tahimik na kumakain. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat. Napataas pa ang kilay ko nang makita ko sina Uncle Ronald at Aunt Maris, Maxim's parents. Nang dumako ang tingin ko kay Lola Imelda ay malungkot lang itong ngumiti sa 'kin na tila alam na narinig ko ang sinabi ng magaling niyang asawa. Bumaling ang tingin ko kay Mommy na tahimik lang na kumakain.
I suddenly feel disgusted. Ibig kong masuka. I can't believe I have a family like this. Iilan lang ang nais maging neutral at ang lahat ay tila may nais na patunayan sa kanilang mga sarili. Hindi ko alam kung kaya ko bang ipagpatuloy na makasama sila.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...