Kabanata 59

49 1 0
                                    

Memory

My grandmother once told me, "Always choose the one that calms your heart and not the one that gives butterflies." I was too young to understand then but now I know why. Because in times when the world becomes too loud, I'd only go to him and he'll make it all go away. I always felt safe with him. Na kahit wala siyang sabihin sa 'kin ay ayos lang. Na kahit sulyap lang ang ibigay niya sa 'kin ay kumakalma na ang kalooban ko. Kuntento na ako roon.

Gaya ngayon . . .

Inangat ko ang tingin ko upang tingnan muli si Kiel at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung anong ibibigay ko sa kaniya kaya awkward akong ngumiti ngunit hindi niya iyon sinuklian ng kahit na ano. Tila bumabalik sa aking alaala lahat ng mga ginawa ko noon para lang mapaamo muli siya. Sa kondisyon niya kasi ngayon, tanging sina Caleb, Miko, at Asher lang ang naaalala niya. Burado ako sa isip niya. Burado kaming dalawa ni Zick sa memorya niya.

"At least nagising." Dinig kong sinabi ni Lynne sa gilid ko kaya tiningnan ko siya.

Tipid akong ngumiti sa kaniya at tinanguan siya saka binalik ang tingin kay Kiel na kasalukuyang nagbabasa ng libro habang nasa tabi niya ang isang gitara.

"Ano lang ang naaalala niya?" Tanong niya pa.

"Burado lahat maliban sa banda niya. Iniisip niya na buo pa rin sila. Sabi ng doktor ay nawala sa memorya niya lahat ng masasakit at natira lahat ng gusto niyang isipin. Isn't it bad? Ibig sabihin ay ayaw na niya kaming maisip?" Mapait na sinabi ko kay Lynne at tinitigan pa nang mataman si Kiel.

Inilipat na siya sa isang pribadong kuwarto ngunit hindi pa pinayagan na lumabas dahil kailangan pang i-monitor ang kondisyon niya. May mga oras kasi na bigla na lang itong nahihilo at nawawalan ng malay. Isa pa, sariwa pa ang mga sugat nito sa mukha at iba't ibang parte ng katawan. Lalo na ang sa ulo.

"Hindi naman siguro. May iba pa sigurong eksplanasyon tungkol sa bagay na 'yan. Stop overthinking." Pangungumbinsi sa akin ni Lynne na tinanguan ko lang.

Ayoko naman talagang isipin na gano'n ang nararamdaman ni Kiel bago mangyari ang insidente. Imposible ang bagay na 'yon.

Maya-maya pa, sabay-sabay na dumating na ang tatlo galing sa labas. Si Caleb ay bumili ng pagkain habang ang dalawa ay kararating lamang. Nang pumasok na silang apat maging si Lynne ay nanatili ako sa pintuan habang pinagmamasdan sila.

Hindi ko kasi alam kung gugustuhin niya ba akong makita, e hindi naman niya ako kilala. Isa pa, I don't think he's comfortable everytime he sees me. Pakiramdam ko kasi ay hindi. Mula nang magising siya tatlong araw na ang nakalilipas ay hindi na muli ako nito kinausap. Sa tuwing titingin naman siya sa 'kin ay tanging malamig na mga mata niya ang tumututok sa akin. Tila siya ulit 'yong Kiel na nakilala ko nang makauwi sila galing Australia pagkatapos ng tatlong taon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang magsimula siyang mag strum ng gitara. Hinintay ko itong kumanta ngunit hindi niya ginawa. Bigla na lang itong tumigil at lumingon sa ibang direksyon. Hindi ako sigurado kung ano ang iniisip niya.

"Bakit ayaw mong pumasok?" Tanong sa 'kin ni Asher nang lapitan niya ako.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Ayos lang ako rito," tipid na sagot ko sa kaniya ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Let's go. I'll introduce you to our vocalist," makahulugan niyang sinabi sa akin saka kinindatan pa ako.

Wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako papasok. Lahat sila ay napatingin sa aming dalawa ni Asher ngunit si Kiel ay nanatiling nakatingin sa ibang direksyon. Tila malalim ang iniisip nito.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon