Dare
"So, why are you still here? He doesn't even remember you." Panunuya sa 'kin ni Eleanor nang lapitan niya ako.
Tiningnan ko lang ulit ito mula ulo hanggang paa at nginitian siya.
"Sa ating dalawa, ikaw ang walang karapatan manatili rito, Eleanor. Alam mo 'yan," kaswal na sagot ko sa kaniya kahit ang totoo ay gusto ko nang sampalin ito dahil sa kakapalan ng pagmumukha niya.
Saan siya kumukuha ng kapal ng mukha magpakita sa 'kin nang paulit-ulit gayong alam niyang may balak na masama ang tatay niya sa 'kin.
Ngumisi ito at maarteng hinawi ang buhok niya patungo sa likuran niya. Nakita ko pa ang pag tingin niya kay Kiel.
"You know what's funny here, Acel? Nalaman ko sa doktor niya na nabura sa alaala ni Kiel ang mga tao at pangyayari na ayaw na niyang maisip bago mangyari ang insidente. Na sa sobrang sakit no'n ay ayaw na niyang maalala. What do you think the reason why he doesn't remember a single thing about you?"
Sa puntong iyon ay tila natumbok niya ang ayaw na ayaw kong malaman niya. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Nang sabihin sa 'kin ng doktor ang bagay na 'yon ay hindi ko na nagawang itanong pa kung bakit gano'n-bakit kami lang ng anak ko ang hindi niya maalala-dahil sobrang hirap na para sa 'kin isipin ang dahilan. Na alam ko naman ang dahilan kung bakit, ngunit pinipilit kong hindi dahil lang sa ayaw kong tanggapin ito.
Mas pinatigas ko ang ekspresyon ko at iniwas ang tingin kay Kiel na kasalukuyang nagbabasa. Tiningnan ko ang Eleanor na ito at hinintay kong tumingin siya sa 'kin para malaman niyang na nais ko na siyang umalis ngayon din. Nang malaman niya kahapon na naaalala siya nito ay tila gusto na nitong manatili rito para bantayan ang lalaking ito. Ramdam ko ang iritasyon na namumuos sa puso ko dahil sa kasalukuyang sitwasyon.
"Hindi mo pa rin talaga maintindihan 'no?" I uttered which made her look at me.
Her forehead furrowed.
"What?"
"Leave us alone, Eleanor. Ayoko ng gulo rito. Hindi mo gugustuhing maubos ang pasensya ko kaya umalis ka na," mariin na sinabi ko sa kaniya at nilagpasan na siya roon.
Tamad na nagtungo ako sa sofa kaharap ng kama ni Kiel at padarag na umupo roon. Nakita ko pa ang saglit na pagsulyap sa 'kin ni Kiel ngunit hindi ko na pinansin pa iyon dahil sa pagod. Nang tuluyan na akong makaupo, my phone suddenly beeped kaya kinuha ko agad iyon at binasa ang text message na galing kay Jack.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ko iyon. I suddenly want to go there just to see Calix at para masaktan ko rin siya dahil sa ginawa niya kay Kiel. Dahil sa ginawa niya ay dumagdag ang paghihirap ko na hindi ko na alam kung kailan pa matatapos.
Magtitipa na sana ako ng reply para sa kaniya, ngunit isang mensahe ang muling pumasok.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...