Just like the moon
"Kakarating lang ni Caleb doon base sa text niya sa 'kin. Bakit ba?" Lynne asked me behind the line.
Narinig ko pa ang mabigat na paghinga niya senyales na nahihirapan itong kumilos dahil sa malaki niyang tiyan. Kinamot ko ang gilid ng ulo ko at tiningnan ang anak kong mahimbing na ang tulog kanina pa. Nang tingnan ko ang orasan sa side table ay lalo akong nagtaka dahil 11 PM na. Kanina pa sinabi ni Kiel na magkasama sila ni Caleb. What is happening?
"Really? Anong oras ba umalis?" Tanong kong muli. Sigurado akong naiinis na ito dahil sa mga tanong ko pero wala siyang magawa dahil kaibigan niya ako.
"Past ten, Acel. Sigurado akong kararating lamang niya roon dahil nag video chat pa kami. Bakit hindi mo itanong mismo kay Kiel kung sino ang kasama niya kanina pa." Suhestiyon niya na tinanguan ko naman.
Oo nga. Bakit hindi ko naisip iyon?
"Kinumpirma ko lang sa 'yo. Sige na, bye. Take care," I said to her then hang up the phone.
Saglit ko pang tinitigan ang huling text sa akin ni Kiel at kaninang 7 PM pa iyon. Sino nga kaya ang kasama nito kanina?
Mabilis akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.
Nang ma-i-send ko iyon sa kaniya ay niyakap ko si Zick nang mahigpit at tinitigan. Malapit na itong mag 6th birthday, dalawang buwan na lang. Hindi ko alam kung paano kami magce-celebrate sa kabila ng mga nangyari pero gusto kong maging masaya siya. This will be his first birthdday with his Dad and I want them to be happy. Iyong walang iniintindi na kahit na ano. Kung ako ang papipiliin ay mas gusto kong umalis kami ng bansa dahil hindi ko na kayang manatili pa rito, pero hindi pa rin maalis sa isip ko na iwan ang kompanya at ang mansyon. Isa pa, may hinala ako na may balak si Kiel sa career niya. Gusto kong malaman iyon mula sa kaniya mismo.
Saglit akong nakatulog habang nag-iisip. Nang tingnan ko ang cellphone ko ay wala man lang siyang reply kahit isa kaya tumayo na ako. Tinawag ko si Mary para bantayan saglit si Zick at nagmadaling tumungo sa Horizon Nights. Alam kong naroon sila.
Nang makarating ako sa bar kung saan lagi kaming pumupunta ni Lynne ay bumungad sa akin ang dim lights at slow music. Gaya ng dati ay kakaunti lamang ang tao dahil hindi naman ito 'yong bar na pangwalwalan talaga na gustong-gusto ko. Usually, mga kilalang tao lang ang mga nakakapasok dito at dahil kilala ko na ang may-ari nito ay kahit kami ni Lynne ay laman nito mula noon hanggang ngayon.
Hinanap ng mga mata ko si Kiel sa bawat table na madaraanan ko ngunit hindi ko ito makita. Tumungo ako sa counter at saktong nakita ko roon si Gino, iyong secretary ni Jack na namamahala rin ng counter ngayon.
"Ma'am, nice to meet you again." Bati nito sa 'kin kaya napangiti ako.
"Hi! Nandito ba si Kiel?" Tanong ko sa kaniya at muling pinasadahan ng tingin ang buong lugar.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...