Invited
It was a week ago when that incident happened at Java Records at hanggang ngayon ay wala pa ring alam si Calix. Tanging si Lynne lang ang nakakaalam dahil siya lang naman ang walking diary ko mula noon hanggang ngayon. Since that day also, my paranoia just kept on haunting me kaya hangga't maaari ay pagkagaling ko sa office ay diretso agad ang uwi ko kahit panay ang yaya sa 'kin ni Calix kumain sa labas. Kahit sa trabaho ay hindi ako lumalabas ng building lalo na kapag hindi naman importante. It's just a waste of time.
"You have a 3 PM meeting with Mr. Lim, Ms. Acuzar." Dinig kong sabi ng sekretarya ko nang tanungin ko siya kung anong huling schedule ko. Napatango na lamang ako.
Hinintay ko muna siyang lumabas bago bumaling kay Zick na kasalukuyang tahimik na nagsusulat sa harap ko.
He wanted to go with me nang magpaalam ako sa kanya kaninang umaga. When I asked him why, he just told me that he doesn't want me to feel scared-na ipinagtataka ko hanggang ngayon. Wala namang masama kung isama ko siya rito. He's a responsible kid. Lahat ng sinasabi ko ay pinakikinggan at sinusunod niya kaya alam kong hindi siya magiging pasaway rito. Besides, Eizickiel knows how to ask permission first before he do something.
Hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya at umupo sa tabi niya. He stopped writing and slowly looked at me which made me smile.
"Did I interrupt you?" I asked him.
Mabilis ang naging iling niya at yumakap sa 'kin saglit.
"Thank you for taking me with you, Mummy . . ." he told me at nagpatuloy na sa ginagawa niya.
Napangiti lang ako then I gave him a kiss on his head. Tiningnan ko ang ginagawa niya at napatango ako nang malamang isa iyon sa mga homework na ibinigay sa kanya ng homeschool teacher niya.
Mula nang matuto siyang magbasa at magsulat, mas pinili ko munang mag home school siya dahil mas mababantayan ko bawat galaw niya. I don't want to take my eyes off him since I gave birth to him dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako. I understand that he needs to socialize and have friends to enjoy his childhood pero saka na lang siguro pag handa na kami pareho.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Kitang-kita ko kung gaano siya kagaling sa pagsasagot ng mga tanong dahil may maikling paliwanag pa iyon. He is a smart kid and I'm happy to witness every milestone of him.
"Anak . . . uh, sometimes before you sleep or when you have time to think, do you wish to see your . . . Dad?" I finally asked him after a minute of hesitating.
I don't know why I suddenly asked him that question. Lahat kasi ng mga sinabi ni Lynne noong nakaraang araw ay nakatatak pa rin sa isip ko at hindi ako pinapatulog nito. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang inis ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya.
Honestly, matagal ko na ring gustong itanong ito sa kanya simula nang magka-isip siya at marunong na siyang umintindi ng mga bagay-bagay. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon ko naitanong-sa ganitong sitwasyon pa.
Zick didn't bother to look at me for a minute. Akala ko ay hindi niya narinig ang tanong ko dahil medyo mahina ang boses ko pero mali pala ako dahil nakita ko ang pagsara ng notebook niya at isa-isang inayos ang gamit niya, saka tumingin sa 'kin.
I stopped breathing for a moment when I saw his sad blue eyes. Yes, he also has blue eyes same as his Dad. Lahat-lahat ay nakuha niya sa lalaking iyon kaya sa isang tingin pa lang ay hindi na maipagkakailang mag-ama sila.
He suddenly smiled at me but a sad one.
"I always think of him so so many times . . . what he looks like-magkamukha po ba kami?" He halted and asked me in his slang Tagalog.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...