Hunt
Sinasadya niya ang lahat. Nalaman ko kay Maurice, secretary ko, na bagong appoint lang siya ng Centerfire Industry noong nakaraang buwan. Hindi ako sigurado kung sino ang may-ari nito ngunit sa pagkakaalam ko ay isa rin iyong mayamang negosyante. Paano naman siya na-appoint nang gano'n kabilis lalo na't may criminal record na ito? Talaga bang gano'n na siya kaswerte sa itaas?
"Ma'am, kailangan niyo raw pong sumama sa lunch ng mga investor ngayon," Maurice said to me while we were walking back to my office.
Katatapos lang ng meeting na nagpasakit lang ng ulo ko dahil sa lalaking 'yon. Hindi ko alam kung bakit gano'n ang inaasta niya. Bago pa man magsimula ang meeting kanina ay maloko pa ito ngunit nang magdiscuss na ay bigla na lamang itong naging ibang tao.
"Sino raw ba ang naroon? Bakit kailangang kasama ako?" Tamad na tanong ko sa kaniya bago tuluyang pumasok sa office ko.
Maurice suddenly smiled at me and gave me a dirty look. Nagkibit-balikat pa ito kaya natutok ang tingin ko sa kaniya.
"Type po kayo no'ng CEO ng Centerfire 'no? I saw how he looks at you earlier. Parang gusto ka niyang iuwi." Kinikilig na sinabi nito sa 'kin kaya nanlaki ang mga mata ko.
Mabilis pa akong lumingon sa paligid dahil baka may makarinig sa amin saka bumaling sa kaniya.
"Shut up, Maurice. Sino nga ang nasa lunch mamaya?" Tanong ko sa kaniya nang may halong pagbabanta.
Saglit pa itong tumawa kaya mas tumalim ang tingin ko sa kaniya.
"The Lim Incorporated, Centerfire Industry, Royale, at ang Acuzar Empire. Naroon din po sina Mr. and Mrs. Yamamoto," simple niyang sambit habang nakatingin sa folder na hawak niya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang makilala ko ang mga representative ng bawat kompanyang binanggit niya. Sa Lim Incorporated ay sigurado akong si Eleanor iyon dahil ito na successor ng kompanya nila. Sa Royale ay si Astraea at sa Acuzar Empire naman ay si Levi. Sa Centerfire Industry ay sigurado akong ang lalaking 'yon ang dadalo dahil katatapos lamang ng meeting namin ngayon. Hindi nga ako sigurado kung nakaalis na ba iyon ng building ko o hindi pa.
Marahas akong bumuntong-hininga at umirap sa kawalan.
"I'll be there," I simply said to her then I went inside my office.
Nang makaupo ako sa swivel chair ko ay saka ko lamang naalala ang lunch date namin ni Calix nang rumehistro ito sa telepono ko. Napamura pa ako bago ko iyon sagutin.
"Hey, how's my Love?" Bati niya sa 'kin kaya agad akong napangiti.
Inikot ko ang upuan ko paharap sa glass wall ng opisina ko kung saan tanaw ang buong city lights.
"Done with your paper works?" I asked him. Dinig ko ang mabigat na paghinga niya sa kabilang linya.
"Hinihintay ko lang ang isa ko pang kliyente at pagkatapos ay pupunta na ako riyan," he replied to me, bakas ang sigla sa boses niya kaya napangiwi ako.
"Love, I'm sorry. I have a lunch meeting together with our new investors and I need to be there. Biglaan kasi kaya hindi ko agad na-cancel," nag-aalangan kong sinabi sa kaniya.
Kahit wala ito sa harapan ko ay alam na alam ko na ang ekspresyon nito ngayon na pilit na lang iintindihin ang lahat. That's how Calix to me kaya hindi ko talaga kayang gumawa ng kasalanan sa lalaking ito dahil sobrang bait nito sa 'kin.
"Alright. Let's just move it to later evening?" He casually asked me.
Paulit-ulit akong tumango kahit hindi naman niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...