Kabanata 30

68 1 0
                                    

Save me

I kept looking at him silently typing on my laptop while periodically reading the papers he was holding. I just find myself smiling every time he frowns as if he doesn't understand what he's doing. There were times when he would stop for a moment and look away as if he was thinking about something. I don't know if I'll be happy with what he's doing or annoyed because I'm not sure if he really knows that job. Saka ko lamang malalaman iyon pag natapos na siya.

"Having a hard time, huh?" I finally approached him ngunit hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito.

"I'm almost done here. After this, can you take me to a restaurant?" Tanong niya sa 'kin nang hindi pa rin ako tinitingnan.

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"And why would I do that?"

Huminto ito sa ginagawa niya at tumingin sa 'kin. Nanliit ang mga mata nito sa 'kin at siya naman ang tumaas ang kilay. Halos ikatawa ko ang itsura niyang 'yon.

"Hindi mo man lang ba ako papakainin pagkatapos nito?" Manghang tanong niya sa 'kin.

Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagsungaw ng ngiti ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at umupo sa kaharap niyang upuan. I can see the buildings around the city dahil nasa pinakataas ng building na ito ang opisina ko.

"Hindi ka pa ba kumain bago ka pumunta rito?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.

He continued what he was doing and shrugged his shoulder.

"I'm tired of eating alone in my house. Ilang taon ko nang ginagawa iyon. The first I ate with someone is that time I brought you into my house and Lynne suddenly came," kaswal na sinabi niya sa 'kin.

Naalala ko kung ano ang tinutukoy niya. Iyon 'yong araw na sa sobrang gulo ng utak ko ay halos makatulog na ako sa sementeryo dahil doon ko lang nailalabas lahat ng itinatago kong sakit. Talaga palang seryoso siya sa sinabi niyang 'yon. Akala ko ay nagbibiro lang siya.

"Really? May pamilya ka pa, Kiel. Bakit hindi ka umuwi sa kanila? Tita Liza needs you," I stated while still staring at him.

Muli, hindi ito tumingin sa 'kin at nanatiling seryoso sa ginagawa niya. Nangunot na naman ang noo niyang 'yon kaya napakagat ako sa ibabang labi ko sa pag-aakalang naiirita na siya sa dami ng tanong ko.

"The Lims have only two months to give you an appointment for the eventual transfer of A&S to them. Anong balak mong gawin dito?" Seryoso niyang tanong sa 'kin, nanatili ang tingin niya sa screen ng laptop ko.

Hindi ako sumagot dahil sa totoo lang ay ubos na ang naiisip kong paraan para isalba ang kompanya. Ang huling alas ko na lang sana ay ang Centerfire ngunit nasira pa dahil kay Henry De Ocampo. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maya-maya pa, tuluyan na itong bumaling sa 'kin ng tingin. Huli na para iiwas ko pa ang tingin ko sa kaniya dahil nahuli na niya iyon.

"Uhm . . ."

"Itutuloy mo ba?" Marahan niyang tanong sa 'kin.

Napakurap ako nang mabilis sa tanong niyang 'yon. Hindi ako sigurado sa kung anong tinutukoy niya kaya kinunutan ko na lamang siya ng noo.

Lumambot ang ekspresyon nito habang nakatingin sa 'kin.

"Mapipigilan natin ang pag lipat nito sa mga Lim kung itutuloy mo ang kaso kay Dad." He managed to tell me kahit alam kong nahihirapan siyang banggitin ang salitang iyon.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at marahas na bumuntong-hininga.

"On process na ang kaso ng Dad mo. Nakausap ko na ulit si Lex tungkol dito at sinabi ko na rin ang isa pang text message na natanggap ko noong nakaraang araw." Paliwanag ko sa kaniya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon