Kabanata 50

71 1 0
                                    

Give up

Sumandal ako sa hamba ng pintuan at pinagmasdan silang dalawa. Eleanor is currently doing a first aid to Kiel. Tila alam na alam niya ang ginagawa niya. Gustuhin ko mang pigilan ang ginagawa niya kay Kiel ay hindi ko magawa dahil alam kong wala akong alam sa gano'ng bagay. Isa pa, hindi ko alam ang iniisip ni Kiel tungkol sa babaeng ito. Bakit ito narito?

"Are you alright? Wala ka bang sugat?"

Nilingon ko ang nagsalitang iyon at nakita ko si Jack na kagagaling lamang sa kusina. May dala itong tubig at kasalukuyang nakasuot na ng sandong puti at pawis na pawis. Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya at balikat nang mapansin ko ang maraming peklat doon.

"Wala naman. Mukhang ikaw ang marami," sagot ko sa kaniya habang nanatili pa rin ang tingin ko sa mga peklat niya.

Tumabi ito sa 'kin at sinundan ng tingin ang kaninang tinitingnan ko.

"Galing ito sa training ko noon sa military," payak na sinabi niya kaya napataas ang kilay ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Military?"

"I resigned and run a business which is my bar. Iyon talaga ang gusto ko gaya ng kung gaano kagusto ni Eleanor ang pagdo-doktor pero hindi siya hinayaan ng kriminal niyang ama," kaswal na sinabi nito sa 'kin.

Saglit ko pa siyang tiningnan bago napagtanto ang sinabi niya. Nang ibaling ko ang tingin ko sa dalawa ay kasalukuyan nang binabalutan ng gaza ni Eleanor ang sugat ni Kiel. Katatapos lamang nito kunin ang balang bumaon doon. Ni hindi ko narinig na sumigaw sa sakit si Kiel. Ibang klase. As if she's so good at what she was doing.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit narito siya?" Jack asked me again which made me look at him.

Nakatingin na ito sa akin nang mataman. I crossed my arms in front of him at nakipagtitigan din sa kaniya. Tinaasan ko siya ng kilay nang ngumisi ito. Sigurado akong inaasar lamang ako ng lalaking ito. Noon pa man ay ganito na ito sa akin.

"Then tell me what is she doing here, Jack." Panghahamon ko sa kaniya.

Nawala ang nakakalokong ngisi nito sa labi niya at seryosong tiningnan ako sa mga mata. Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"I told him many times that you should know about it. Siguro ay siya na ang dapat mong tanungin niyan. I just want you to know that Kiel is not the old Kiel anymore. Trust him."

Iyon na ang huling sinabi sa akin ni Jack bago siya tawagin ni Benj. Nang ibalik ko ang tingin ko sa dalawa ay tapos na si Eleanor sa ginagawa nito. Nakaupo lang silang dalawa roon at magkaharap. Tila may seryosong pinag-uusapan. Sandaling tinitigan ko pa silang dalawa habang nag-iisip kung lalapitan ko ba ang mga ito o huwag na lang muna, ngunit nang makita kong lumapit pa si Eleanor kay Kiel at hinawakan nito ang mukha ng lalaki ay awtomatikong tinawid ko na ang pagitan namin.

Padarag akong umupo sa tabi ni Kiel at diretsong tiningnan si Eleanor na agad na lumayo kay Kiel at umiwas sa akin ng tingin.

"He's fine now. Kailangan na lang niya uminom ng antibiotic para maiwasan ang infection." Paiwas na sinabi nito sa 'kin at nagsimulang ligpitin ang mga ginamit niya kay Kiel.

Nahagip pa ng mga mata ko ang balang iyon. Nang tingnan ko si Kiel ay tipid itong ngumiti sa 'kin habang namumungay ang kaniyang mga mata. Bakas sa mga mata niya ang matinding pagod. Namumutla rin ang labi nito dahil siguro sa mga dugong nawala sa kaniya kanina.

"You should rest, Kiel. Nasa kwarto si Zick, you can sleep beside him." Marahang utos ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

Hindi niya inilayo ang tingin sa akin kaya nanatili ang hawak ko sa kamay niya. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig na ginagawa sa amin ni Eleanor. Hindi ko malaman ang iniisip niya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon