Kabanata 74

52 1 0
                                    

Comeback

"He wants a comeback. When he approached me that day, one week after his release, pinag-isipan ko agad ang sinabi niya. I honestly want them back. You know me, Acel." Manager Celina explained to me behind the line.

Napatango na lamang ako kahit hindi naman niya nakikita. Yes, I know her very well. Mula pa man noon ay mahal na mahal niya ang bandang inalagaan niya nang ilang taon at isa siya sa mga nasaktan nang mabuwag ito. Just like me and any other people, she is a fan.

"And what's the progress now? He didn't even tell me." I asked her again, biting my lips.

Saglit na sumilip pa ako sa labas ng kuwarto dahil sa pag-aalalang baka bigla na lamang pumasok si Kiel.

"I'm still processing everything now. Maybe a month or two, they are ready to be on stage again. Ayaw niyang sabihin sa 'yo dahil gusto niyang i-surprise ka noon pa man. Just don't tell him I told you," seryoso nitong sinabi sa 'kin.

Ilang minuto pa kaming nag-usap tungkol sa bagay na iyon bago niya pinutol ang tawag dahil may importanteng meeting na ito. Nang matapos ang tawag na 'yon ay saglit pa akong natulala sa kuwarto bago tuluyang lumabas na. Nadatnan ko si Asher sa sala kaya nilapitan ko agad siya at padarag na umupo sa tabi niya.

"Where's Kiel?" I asked him right after I sat down beside him.

"You lived in the same house pero lagi pa rin kayong naghahanapan dalawa. May problema ba kayo?" Tanong niya sa 'kin imbes na sagutin ang tanong ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napadako ang tingin sa mga papel na nasa table roon. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin kong mga lyrics iyon ng kanta. I was about to pick one of those papers pero tinapik niya bigla ang kamay ko.

I quickly looked at him. "What? I just want to-"

"Hindi puwede," simple niyang sabi sa 'kin habang nakangisi kaya lalong nangunot ang noo ko.

"Those are song lyrics, right? Your old songs?" I asked him, making sure it was all their old songs dahil kung oo ay bakit ayaw niyang ipakita sa 'kin?

Umiling lamang ito at nagsimula nang ligpitin ang mga papel na iyon. Naroon pa rin sa labi niya ang kakaibang ngisi na iyon.

"You don't need to know now, Acel, so stop. These are not old songs," payak na sinabi niya at lalong ngumisi.

I was about to utter a word when someone suddenly sat down beside me. Bago ko pa lingunin ito ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko at ang kamay niya sa tiyan ko saka mariin akong hinalikan sa gilid ng ulo ko.

"Kiel, where were you?" I asked him and held his hand.

Narinig ko ang mabigat na paghinga nito kaya sinubukan ko siyang tingnan. Nasandal lang ang ulo nito sa balikat ko at nakapikit.

"I played with Zick outside. Can I drink tonight?" He asked me which made me look at him.

"Of course. Bakit nagpapaalam ka pa?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Umangat ang tingin nito sa 'kin dahilan upang magtama ang tingin namin. Malamlam ang mga mata nito na tila may iniinda at pinoproblema ngunit sinusubukan niyang pasiglahin ito sa harap ko. His aura is also gloomy. He looks so lonely and vulnerable. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Na kahit ang pagtago sa totoong nararamdaman niya ay hindi na niya nagawa dahil sa labis na pagod at lungkot na nararamdaman.

"You can drink, Kiel. Enjoy yourself here. Have fun all you want. I won't bother you. I'll wait for you whenever you're done," marahan kong sinabi sa kaniya at hinalikan siya nang mabilis sa labi.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon