Kabanata 24

65 1 0
                                    

Secrets

The fact that I need to focus on how do I do this everyday is giving me a hard time more. Ni hindi ko na maayos ang pag-iisip ko nang dahil lang sa mga bagay na wala namang kuwenta, pero hindi ko maikakailang patuloy pa ring gumugulo sa isip ko. Ang hirap-hirap kapag nagsasabay-sabay. Lalo na kapag hindi pa nasosolusyunan ang isa, may dadagdag na namang isa.

Just like this-this case is draining me big time but I couldn't do anything about it. Kapag hindi ko pinansin ay lalong manggugulo. Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang dalhin ito.

"It was their Dad Henry De Ocampo," Lex stated while explaining to me everything I need to know.

Tulala akong nakatingin sa papel na inabot niya sa 'kin kanina. Naglalaman iyon ng lahat ng detalye at impormasyon tungkol sa lalaking binanggit niya. Ni hindi ko iyon magawang basahin dahil wala naman akong maintindihan kahit isa roon.

"Henry De Ocampo?" I blurted just to make sure that I am not deaf or anything.

I remember the name very well. Madalas iyong ikuwento sa 'kin ni Kiel noong mga bata pa lamang kami. How he wished to be with him again. How he wished to see him and tell all his story to him dahil matagal na niya itong hindi nakikita. The last time I checked, Henry De Ocampo suddenly vanished without any reason. Bigla na lamang itong nawala sa 'di malamang dahilan o ako lang ang hindi pa nakakaalam ng dahilan. I even thought that he's dead a long time ago.

"It's their Dad. A retired army but we recently checked that he still has a connection with his colleagues lalo na ang matataas na ranggo." Paliwanag nito sa 'kin kaya lalong nangunot ang noo ko.

"Retired army? How? I mean, bakit niya ito ginagawa? Does he know Uncle Saldy? Retired army din si Uncle." Puno ng pagtatakang tanong ko sa kaniya.

I tried to meet his gaze but he was more focused on the papers in front of us. Isa-isa niya itong pinapasadahan ng tingin saka ibinigay sa akin. Tila napag-aralan na niya lahat iyon bago pa niya sinabi sa 'kin just to make sure that everything is a fact. Magaling talaga magtrabaho si Alexander noon pa man. Walang pagbabago.

"Ang alam ko lang ay malaki ang galit ni Henry sa pamilya mo ngunit hindi ko na alam kung bakit. Maybe, we should do more investigation. Isa lang ang sinisigurado ko sa 'yo, AJ, your life is in danger but we don't know the reason why kaya kailangan nating kumilos nang mabilis," puno ng pag-aalalang sinabi niya sa 'kin.

Matapos ang meeting na iyon ay nagpaalam na ako sa kaniya. Hiniling kong dalhin lahat ng papeles na ipinakita niya sa 'kin para mapag-aralan ko rin ito sa bahay, mabuti ay pumayag siya.

While I was walking towards the parking lot of this law firm, I heard a familiar voice from afar. Nanggagaling iyon sa fire exit ng hallway patungo sa parking lot kaya sinundan ko iyon.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang itago sa kaniya ang lahat. It's painful for me every time I see her crying because of the past. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin siya nito." I overheard.

Nangunot ang noo ko nang lalo kong mabosesan iyon. Ayoko mang malaman kung totoo nga ang kutob ko ngunit kusang humakbang ang mga paa ko patungo sa pinto ng fire exit.

I stiffened when I saw who it was. He was talking to someone I know. It is very clear.

"You have no choice this time, Calix. Kahit gusto mong tapusin lahat at sabihin na lang sa kaniya ang totoo, she will never understand you and you know that." The woman replied to him.

Yes, it is Calix. My Calix Laxamana. Why?

Nakita ko ang pag lingon niya sa babaeng kausap. Nakakunot ang noo nito at tila pagod na pagod. Marahas itong nagpakawala ng malulutong na mura.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon