Kabanata 25

75 2 0
                                    

Doubt

With a lot of unanswered questions and doubts from the past, Calix gave me assurance since then. He never left me even when I didn't need him. He never left my side even though I always pushed him away because I felt, I was already abusing him. Lagi kong sinasabi iyon sa kaniya-na ayokong abusuhin ang kabaitan niya noon pa man. Until he proved to me how much he was worth it. That he deserves all the happiness in the world. I was so sure about him. Na kaya kong ibigay sa kaniya lahat ng pagmamahal na natitira sa 'kin dahil alam kong deserve niya iyon.

But now, I don't know if I'm still right in what I thought of him. Siya pa ba iyong Calix na nakilala ko?

"Please, talk to me, Acel. I want to talk to you about what happened," he begged as he was trying to reach my hand, pero paulit-ulit kong inilalayo iyon sa kaniya.

Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang hawakan niya pa ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at bahagyang tiningnan ang mag-ama ko na nanatiling nakaupo sa sofa. Tulog na si Zick habang si Kiel ay nakabantay sa kaniya. Mabuti na lamang ay napigilan ko siyang gumawa ng gulo kanina nang dumating si Calix. I don't want Zick to witness any violence. Masyado pa siyang bata.

"May trabaho pa ako, Calix. Huwag na muna ngayon." Tamad na sinabi ko sa kaniya at nagkunwaring may itina-type sa laptop ko.

Narinig ko ang mabigat na paghinga niya. I even saw him stood up para lapitan ako kaya naalarma agad ako.

"P-puwedeng huwag ka munang lumapit, please." Hindi ko na napigilang sambit sa kaniya bago pa man siya makalapit sa 'kin.

Nakita ko ang sakit sa mga mata niya nang tingnan niya ako kaya agad akong nag iwas ng tingin sa kaniya. I can't seem to look at him that long. Pakiramdam ko ay ayoko na munang makita siya dahil naaalala ko lamang ang ginawa niya sa 'kin, maging ang narinig kong usapan nila ni Eleanor. Ano nga ba iyong tinatago nila? Ano iyong nakaplano na?

"Love, please . . . I'm so sorry," he whispered.

Napapikit ako nang mariin at padarag na tumayo. Diretso akong naglakad patungo sa pinto. Nakita ko pa ang pagtutok ng tingin sa akin ni Kiel. Hindi ko na pinansin iyon at diretsong lumabas na mula sa opisina.

Dala ko ang galit at sakit sa puso ko hanggang sa makarating ako sa parking lot ng building. Calix followed me the entire time kaya nang sandaling makalapit siya sa 'kin ay marahas akong humarap sa kaniya.

"Now, talk. What do you want?" Mariin kong tanong sa kaniya.

He looks so wasted. I can already see his beard and mustache. Tila hindi niya iyon naasikaso habang nasa kanila siya. Ano bang ginawa niya roon at tila hindi niya naasikaso ang sarili niya? Sinong kasama niya? Magkasama ba sila ni Eleanor? Bakit parang kilalang-kilala na nila ang isa't isa?

"I'm sorry. I was wrong. I fucked up and I'm so sorry. Let's fix this, please. Hindi ko kayang ganito tayo." Puno ng pagsusumamong sinabi niya sa 'kin at halos lumuhod na sa harapan ko.

Nanatiling matigas ang ekspresyon ko habang nakatingin sa kaniya. Noong hindi ko pa nalalaman na nagsisinungaling siya ay lahat ng sasabihin niya sa 'kin ay totoo. Ngayong alam kong may hindi siya sinasabi sa 'kin at kasabwat pa niya ang Eleanor na iyon ay hindi ko na alam kung anong totoo sa mga sinasabi niya. Lalo na't tungkol sa akin ang pinag-usapan nila. Tungkol kaya saan iyon?

"You left me when I needed you the most. You left me with no other choices but to keep going. Na kahit ilang araw ka lang nawala, parang napakatagal na no'n para sa 'kin dahil kahit isang text ay wala kang sinagot. You answered one of my calls, yes, but I got nothing. Anong aayusin natin?" Nanginig ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya.

Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon