Sick
"I'm sorry, Ate. Kung puwede lang talaga ay mas gusto kong manatili rito dahil inaabangan ko rin ang paggising ni Kuya," sambit ko sa kaniya nang saglit na lumabas siya mula sa ICU.
Nginitian lang niya ako nang malungkot saka tumango at naupo sa tabi ko.
"I understand, AJ. It's for your own good, especially Zick. Don't worry, naniniwala akong malapit na siyang magising one of these days," determinado niyang sagot sa 'kin kaya napangiti ako.
Saglit pa akong nakatitig sa kaniya hanggang sa bigla na lamang siyang humagulgol kaya naalerto ako.
"Ate . . ." I immediately hugged her.
"T-this is so hard, AJ. Ang hirap-hirap makita ang asawa ko na nag aagaw-buhay sa harapan mo pero wala kang magawa. T-tanging magagawa mo lang ay magdasal nang paulit-ulit at hilinging na sana sa 'kin na lang mapunta lahat ng sakit na nararamdaman niya." She started and burst into tears.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa narinig ko. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya dahil maging ako ay gano'n ang pakiramdam, ngunit alam kong triple ito para sa kaniya. I know how she loves Kuya Roy so much. Isa ako sa mga saksi ng pagmamahalan nila noon pa man at alam ko kung gaano ito kahirap sa kaniya.
Ilang araw na mula nang mabaril siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Isang beses pa lamang nangyari ang arrest niya at ang susunod ay sobrang critical na according to his doctor. It will possibly kill him kaya araw-araw kaming nabubuhay sa takot sa mga susunod na mangyayari.
"K-kaya ko nga siya pinag-resign na sa pagiging military dahil ayoko na ng ganito tapos-tapos . . . Th-this family war will surely wipe out everybody. I-it's so exhausting!" Ate Jamilah blurted out and continuously sobbed.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya dahil may katotohanan naman talaga ang lahat ng ito. This war will surely wipe out all of us kapag hindi pa naagapan. Kapag hindi pa sila kumilos at gawin ang tama.
Kaya lang sa nakikita at patuloy na naririnig ko ay malabong matapos kaagad ito. Lolo Samuel will surely defend and avenge Uncle Saldy and Kuya Roy once something has really happened to them. Iyon ang kinatatakutan ko. Na baka kapag handa na silang gawin ang tama, wala nang dahilan pa upang ipagpatuloy iyon.
Ilang oras pa kaming nag-usap ni Ate Jamilah tungkol sa kalagayan ni Kuya Roy bago ako tuluyang nagpaalam na. Napansin kong hindi pa rin tumatawag o nagtetext man lang si Kiel mula nang magpaalam siya kanina.
I was about to call him dahil nasa bahay pa niya ang ibang mga gamit ko-ngayon na kasi ang schedule ng flight namin pabalik sa Tierra Fima- nang biglang bumungad sa akin si Lynne at Caleb. Nangunot pa ang noo ko nang makita ko ang takot sa mga mata nila.
"Why?"
"Si Kiel . . ." Caleb said, so I become alert.
"Anong nangyari? Nasaan? Kanina pa siya umalis, e. Sabi ay magpapaalam lang siya kay Tita-"
"He's sick, Acel. Hindi ba niya sinabi sa 'yo? Pinapunta niya kami rito para malaman mo." Putol ni Lynne sa sasabihin ko.
"What?" I asked in disbelief. "I didn't know that."
"Obviously." Lynne said and rolled her eyes. Kung hindi lang ito buntis ay kanina ko pa ito sinapak.
"He fainted while talking to Celina. Nasa dating headquarters." Caleb answered.
Napaawang ang bibig ko nang marinig ko iyon.
Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at bumyahe na kami patungo sa dati nilang headquarters. Tahimik lamang ako habang naririnig ko ang dalawa na panay ang bulungan. Wondering why would he talk to Celina at sa dati pa nilang headquarters. Anong binabalak nito? At kailan pa siya may sakit? Bakit hindi ko iyon nalaman?
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...