Say it properly
I always wonder why I have always felt safe with Kiel-like, how the raging storms in my heart come to still just be his mere touch; how his smooth voice calms my overflowing emotions, and how his gaze clears out the background noise and make me focus only on him.
Umangat ang tingin ko sa kaniya habang seryoso pa ring hawak ang kamay ko. Buong akala ko ay sa sala lamang kami ng bahay mag-uusap ngunit nasa hadgan na kami ngayon at tinatahak ang daan patungo sa kuwarto namin.
"Ano bang pag-uusapan?" Hindi ko na napigilang tanong sa kaniya.
"Do you have a problem, Kiel? Is it about what I told you that day? You know you don't have to think of that-"
"I will think of it as long as I want to dahil anak ko ang nawala at alam kong ako ang may kasalanan. But that's not what we are going to talk about." Putol niya sa sasabihin ko kaya saglit na natulala ako.
Bago pa man kami tuluyang makapasok sa kuwarto ay hindi na muna ako nagpatianod sa kaniya dahilan upang tumingin siya sa 'kin.
"Why do we need to go to our room? Mag-uusap lang naman . . ." Wala sa sariling sinabi ko sa kaniya.
Tumaas ang kilay nito at bahagyang yumuko upang mas titigan ako. Amoy na amoy ko sa kaniya ang alak at sigarilyo na humahalo sa napakabango niyang amoy. Mas lalo siyang naging manly sa amoy na 'yon. Mas lalo akong nakaramdam ng excitement na hindi ko malaman kung anong dahilan. Mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na kahit wala pa man siyang sinasabi, presensya lang niya ay sapat na para sa 'kin upang kumalma ang puso ko.
He's all I want and I need. Kung noon ay kaya ko siyang pakawalan nang dahil sa mga nangyari, ngayon ay hindi na.
"Do you have plan on leaving me again?" Malamig niyang tanong sa 'kin.
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, pero bago pa man ako makasagot ay bigla na lamang siyang tumalikod at padarag na binuksan ang pintuan kaya pumasok kaagad ako. Halos mapatalon pa ako nang pabagsak niya iyong isinara. Tila galit ito.
"What's your problem, Kiel? Why are you mad this time?" Puno ng pagtatakang tanong ko sa kaniya. Nagsimula nang kumalabog ang dibdib ko.
"How dare you plan on leaving me again, Acel Jean!" Sigaw niya dahila upang mapatalon muli ako sa sobrang gulat.
Nagngingitngit siya sa galit. Pakiramdam ko ay hindi niya ako pakikinggan ngayon sa kung ano mang magiging eksplanasyon ko sa sinabi niya kahit hindi pa man ako sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin.
Malalaking hakbang ang tinawid niya sa distansya namin at ang talim ng ipinukol niyang tingin ay hindi ko kayang tanggapin. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako kahit hindi ko man alam kung ano ang tinutukoy niya.
I tried to take a step backward ngunit mabilis niya akong na-corner. Tiningala ko siya. He towered over me. Nangatog ang tuhod ko.
"W-what are you talking about?"
Namumula ang kaniyang mga mata. Kumislap ito dahil sa mga luhang nagbabadya roon. Na kahit galit na galit ito ay ramdam ko pa rin ang pagpipigil niyang magpakawala ng masasakit na salita. Na alam kong hindi naman niya kayang gawin.
"Don't you dare leave me again! Stop making decisions by yourself again! Stop it! Stop trying to leave me all over again! I told you how it hurts every damn time you leave me kaya bakit may balak ka pa rin?" Sigaw niya nang puno ng hinanakit at sakit.
Hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi niya.
"What?" I uttered, trying to understand where his rage is coming from. Parang kanina lang ay okay pa kami.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...