Full
I've come up with the idea of letting Zick be with his father if he wants to. Hindi naman sa ayaw ko nang makasama ang anak ko-dahil ako pa rin naman ang hinahanap nito palagi-sadyang ayoko lang pigilin ang kaligayahang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang Daddy niya. Matagal na panahon kong hinadlangan ang magkasama sila nang dahil sa galit na itinanim ko sa puso ko-na hanggang ngayon naman ay ramdam kong narito pa rin, ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan pa ito mananatili sa 'kin.
I woke up beside my son. Umangat ang tingin ko sa kaniya upang tingnan siya. He's sleeping peacefully. Bahagya pang nakaangat ang labi nito na tila nakangiti kaya napangiti na rin ako. I slowly moved towards him and gave him a kiss. Marahan lang iyon upang hindi siya magising.
"Can I also get a good morning kiss?"
Halos mapasigaw ako sa sobrang gulat nang marinig ko ang boses na iyon. Nang tingnan ko kung sino 'yon ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kiel. Nasa kabilang side ito ni Zick at sobrang lapit pa sa akin kaya bahagya akong napalayo sa kanila ng anak ko.
Only now do I remember that he took me home to his house with my son. Bakit nga ba nakalimutan ko iyon bigla?
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya nang tumikhim muli siya. Hindi ko na ito kinibo at dahan-dahang tumayo mula sa kama.
"I'll make some breakfast." Halos bulong ko sa sarili ko ngunit siniguro kong narinig niya iyon.
"Nagluto na ako," he simply said to me kaya binalingan ko siya ng tingin.
Ngumiti ito sa 'kin habang dahan-dahang hinahaplos ang buhok ng anak ko. Ngayon ko lang napansin ang suot nitong puting t-shirt na yumayakap sa buong katawan niya at gray na sweatpants. That damn gray sweatpants na sigurado akong bababa ang tingin ko roon sa oras na tuluyan itong umalis sa pagkakahiga.
"K-kanina ka pa gising." I stated and looked away from him.
Inayos ko na lamang ang sarili ko at muling sinulyapan ang anak ko na mahimbing pa rin ang tulog. Nang tingnan ko ang orasan sa side table ay napatango na lamang ako sa sarili ko. Ngayon lamang natulog nang ganito katagal ang batang 'to. I guess he's really comfortable here with his Daddy. Ako kasi ay hindi.
"Hindi ako sigurado kung nakatulog ako. You should rest more. Wala ka namang ibang gagawin dito," he replied to me na halos ikatingin ko sa kaniya.
Bakit hindi siya sigurado kung nakatulog siya?
"I'm fine, Kiel. May gagawin pa ako. Sa sala ko na lang hihintaying magising si Zick-"
"What's his full name?" He asked which made me stop walking outside.
"H-huh?" I asked him just to make sure that I wasn't deaf or something. Pakiramdam ko kasi ay bigla akong nabingi sa tanong niyang 'yon.
Hindi ako nakatingin sa kaniya kaya hindi ko alam kung anong ekspresyon nito ngayon. Tamad akong bumalik muli sa pagkakaupo sa kama.
"Hindi mo pa sinasabi sa 'kin ang buong pangalan niya. I only know his nickname Zick. What's his full name?" Ulit niyang tanong sa 'kin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinag-iisipan kung sasabihin ko ba sa kaniya ang buong pangalan ng anak niya. I don't want him to know! Alam ko kasing aasarin niya ako kapag nalaman niya at pupukulin ako ng mga tanong na nakakainis. Baka mapikon lamang ako.
"Hey . . ." He called me again.
Naramdaman ko na ang presensya niya sa tabi ko kaya napatayo agad ako.
"W-why do you need to- suit yourself, Kiel." Naiinis na sinabi ko sa kaniya at akmang aalisan na siya roon ngunit agad niyang nahuli ang kamay ko.
Kusa akong natigilan dahil doon.
BINABASA MO ANG
Listens to Memories | Voiceless Duology 2 | COMPLETED
RomanceSTRONG WARNING: DO NOT READ IF YOU HAVEN'T READ THE BOOK 1 OR IT WILL NOT MAKE SENSE. Right after Acel migrated to the States to forget everything, she promised herself that she would never be a fool again. She left her young shattered heart in the...