UNEDITED!
Boring. Read at your own risk.xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
P R O L O G U E
"Hoy bata bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa batang babae na kaklase namin. Magsasalita lang kasi siya kapag tinatanong ng teacher namin o kaya kapag si Lea ang kausap.
Hindi niya ko pinansin at lumipat na ng upuan.
"Alam mo, Lance, hindi namamansin ng iba yan, si Lea lang ata kilala niyan e," sabi ni Hans.
"Paano mo naman nasabi, e, isang linggo pa lang naman tayo pumapasok?"
"E kasi kapitbahay ko yan pati si Lea, ‘pag napunta kami ni Mommy sa kanila ‘pag kinakausap ko hindi ako sinasagot. Akala ko nga pipe pero nakita kong naglalaro saka nagtatawanan sila ni Lea, naisip ko suplada lang talaga"
"Ah ganun ba? Makikipagkaibigan ako sa kanya," desididong sabi ko.
"Wag na! Mapapagod ka lang! Maglaro na lang tayo"
Umiling ako, "Kayo na lang.."
"Bahala ka nga!" naiinis na sabi ni Hans saka ako iniwan.
Lumapit ulit ako sa batang babae na mag-isang nakaupo sa bench sa labas ng classroom namin. Uwian na kasi at wala pa ang sundo ko.
"Mikki ang pangalan mo di ba?" tanong ko.
Lumingon siya sakin pero may biglang tumawag sa kanya hindi pa man niya ko nakikita.
"Mikki!" sigaw ni Lea, "Nandito na si tita!" sabi nito saka hinila na nito palabas ng school si Mikki.
Paulit ulit lang ang ginagawa ko. Gusto ko kasing maging kaibigan lahat ng kaklase ko. Sa bahay kasi malungkot. Katulong lang at guards ang palagi kong kalaro. Ayaw kasi nila Mom na lumabas ako ng bahay para makipaglaro tapos sila palaging busy sa trabaho. Kaya nga excited akong magschool e. Ngayon may kalaro na akong kasing edad ko.
"Sa tingin mo Hans, bakit hindi nakikipag-usap satin si Mikki?" nagtatakang tanong ko isang araw habang pinapanood siyang makipag-usap kay Lea.
Ngumuso si Hans habang umiiling, “Sinabi ko na kasi sayo.. suplada siya tsaka, sobrang yaman kasi kaya siguro ganun yung palaki sa kanya”
"Siguro nga, pero hindi ako susuko. Kita mo, dadating ang araw magiging kaibigan ko din siya at kakausapin niya din ako katulad nung kay Lea"
"Asa ka pa!” sabi ni Hans at tumawa nang malakas, “Bakit ba gusto mo siyang maging kaibigan? Ang dami mo na kayang kaibigan!"
"May dahilan ba pag gustong maging kaibigan ang isang tao?" kunot-noong tanong ko.
Biglang tumahimik ang buong classroom at nangibabaw ang isang muntik halakhak.
Napatigil ako at namangha sa nakikita ko. Si Mikki tumatawa. Ang cute cute niya! At ang cute ng tawa niya.
Napangiti ako at mas naging determinadong kaibiganin siya. “Hans, may dahilan na pala ako kung bakit gusto ko siyang maging kaibigan,” sabi ko bang hindi lumilingon sa kausap.
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.