CHAPTER 42

4.6K 118 9
                                    


Ivan's POV

Pigil na pigil ang hininga ko hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila Mikki.

What the heck did I say?

It's safe right? I dont like her. No. I mean, I'm in the process of unliking her. Sana naniwala sila.

Isang linggo na ang nakalipas, iniwasan ko lang si Mikki. Sumasabay pa din naman ako sa kanila maglunch pero tahimik lang Ako at palagi na lang pinipigilan ang sarili na tumingin sa kanya.

"This past few days, napapansin kong tahimik si Ella. May problema ba yun?" tanong ni Camille isang araw habang naglalunch kami ng hindi kasabay si Ella. May gagawin daw kasi siya.

"Hindi ko alam, wala naman sinasabi" I shrugged.

Araw araw ganun lang ang usapan kapag lunch. Napipigilan ko na rin ang sarili kong panoorin si Mikki kapag may klase. Pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang sinasabi niya kapag may kausap siya sa phone niya.

"Eat now Kerr" I bit my lip after hearing his name from her mouth.

Abnormal pa rin ang heartbeat ko, napagpasyahan ko na lang na lumabas muna para magpakalma. Kailan ba to magiging normal? Hays.

Pagkatapos ng klase dumaretso ako sa library para manghiram ng libro, malapit na kasi ang finals. Ang bilis nga naman ng araw. Umalis na agad ako pagkahiram ko ng libro. Sa parking naabutan ko pa sila Mikki at Lea na pasakay ng sasakyan. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako lumapit sa kotse ko. Ginugol ko lang ang buong gabi ko sa pagbabasa. Lumipas ang araw. Palagi akong dumadaan sa library para manghiram ng libro. Next week kasi finals na.

"Ang kj mo Ivan! Sumama ka na kasi, ngayon na nga lang ulit tayo magbobonding!" reklamo ni Hans.

"You're so gay Hans" Camille commented while rolling her eyes.

"Anong problema mo Camille? Masyadong nagbuburo tong si Ivan sa bahay nila para mag-aral. Matalino ka na, alam na alam na namin yun, ano pa bang pinaglalaban mo?" tanong ni Hans sabay akbay sakin.

Napailing na lang ako saka inalis ang pagkakaakbay niya sakin.

"I have to go. Ingat kayo" sabi ko saka nagtuloy patungo sa kotse ko.

Narinig ko pa ang sigaw ni Hans, natawa na lang ako at hindi siya pinansin. Pagkatapos kong maghapunan, nagkulong lang ako sa library namin para mag-aral. Masyado akong na-engrossed sa pag-aaral hanggang sa tumunog ang cellphone ko. I want to ignore it, pero parang may nagtutulak na kunin ko ang phone ko. Instinct? Kinuha ko na lang kesa Naman isipin ko pa at maging curious buong gabi.

Napakunot ang noo ko ng makitang tumatawag si Lea. This is a first time she called me. Bakit kaya?

"Hello?"

["Ivan, hello! Alam ko medyo late na, pero pwede bang favor? Can you come over here?"]

Tinignan ko ang orasan, 8pm palang naman.

"Saan? Sa bahay niyo?"

["Hindi, dito kina Mikki"]

Natigilan ako. Kina Mikki? Anong gagawin ko sa kanila?

["Can you come? Kung hindi naman okay lang, i'll just ask Nathan instead"]

"No! I mean, okay lang. I'll be there in 20 minutes"

Hindi na ko nagtanong kung bakit. Hindi na din ako nagdalawang isip na puntahan sila. Medyo kinakabahan ako at hindi maganda ang pakiramdam ko. Ano kayang nangyari?

I drove faster than the usual. I don't care, ang mahalaga makarating agad ako sa bahay nila Mikki. Natatanaw ko na si Lea sa labas ng bahay nila Mikki, inaabangan ako. I parked the car in front of Mikki's house and released a deep breath before emerging the car.

MISS NOT PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon