"Gaya ng sinabi mo kahapon, I asked Mikki" sabi ni Janin pagkaupo niya sa harap ko at saka tumingin kay Mikki.
I frowned. Hindi ko maalala yung pinag-usapan namin ni Janin kahapon. At kelan pa niya nakausap si Mikki ng hindi ko namamalayan? Hindi naman ako humihiwalay kay Mikki.
"Kanina sa klase, we were groupmates, pagkatapos namin sa activity, ininterview ko na ang girlfriend mo" sagot niya at mas lalong lumaki ang ngiti at hinampas pa ako sa braso.
I was shocked. Girlfriend? Alam na niya?
"Alam mo?" nagtatakang tanong ko pagkarecover ko sa pagkagulat.
She laughed and slapped my arm again. "Silly. She told me ofcourse. Congrats Ivan. Finally!" sabi niya habang tumatawa pa rin at nakipagshakehands pa sakin.
Napatingin ako kay Mikki na parang wala lang sa kanya. Then she frowned when she saw me staring at her. "What?"
"Alam na nila" I stated.
She tilted her head and raised her eyebrows. "Ayaw mo bang ipaalam?" she asked.
I was shocked again ofcourse. All along, akala ko ayaw niyang ipaalam sa lahat kaya hindi ko sinasabi tapos..
She sighed. "Kaya pala.." hindi niya tinapos ang sasabihin niya tapos umiling na lang.
"Kaya pala ano?" tanong ko.
"Nevermind"
I frowned pero napalitan din naman agad ng ngiti dahil biglang nagtilian ang mga kaklase namin at nagsilapitan samin.
"Totoo nga? Sabi ni Janin kayo na nga?" tanong ni Casey.
Sasagot na sana ako nang naunahan ako ni Mikki.
"Yeah"
I bit my lips. Ang puso ko nagbubunyi sa kagalakan. Tuwang tuwa sa paghahappy dance dahil sa pagreveal ni Mikki na kami na. Ang sarap sa feeling.
Nagtilian ang mga kaklase namin at kinong-gratulate kami. Pakiramdam ko tuloy, ngayon lang ako sinagot ni Mikki. Para akong nakasakay sa ulap na mahal ni Mikki. Cloudnine.
I held Mikki's hand and interlocked our fingers which caused the squealing became more loud. I stared at Mikki and she shook her head but I saw the corner of her lips moved upward a bit and that's enough to make my smile grew wider even more. My heart doesn't stop doing the happy dance, parang walang kapaguran.
Tumahimik lang ang lahat ng dumating na ang professor namin at nagsimula ang klase.
*
"Totoo ba 'tong nakikita ko?" tanong ni Lea habang naglalakad sa likuran namin ni Mikki. Magkaholding hands kasi kami habang naglalakad sa hallway.
Hindi ko na bibitawan ang kamay niya since okay naman pala sa kanya na ipagkalat na kami na. Hindi na din nawala ang ngiti sa labi ko simula pa kanina.
Napapatigil pa ang ibang kakilala namin at napapatingin sa magkahawak na mga kamay namin. Hindi na maalis ang ngiti ko simula pa kanina. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Mikki kaya napatingin siya dito bago kunot-noong tumingin sakin.
"What?" she asked.
I shook my head and I stepped closer to her. Hanggang sa makarating kami sa parking lot at mapunta sa tapat ng kotse ko, dikit na dikit pa rin ako sa kanya.
"Hey, we'll go ahead" sabi ni Lea. Tinapik naman ako ni Hans sa balikat saka tumalikod at dumaretso na sa sasakyan niya.
"Okay na talaga sila?" tanong ko kay Mikki ng makita ko si Lea na pumasok sa kotse ni Hans.
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.