Ivan's POV
"Mikki.." kinulbit ko siya pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ko pinapansin.
Grade one na kami pero ganun pa rin siya. Tahimik lang. Parang si Lea lang ang kakilala. Pero ayokong sumuko. Gusto ko talaga siyang maging kaibigan.
"Mikki, eto chocolate o, uwi yan ni Daddy galing Germany. Sayo na lang" sabi ko at nilapag ang isang paper bag na puno ng chocolates.
"Wow Lance! Ano to? Chocolates? Kay Mikki lahat? Pwede ba akong humingi?" tanong ni Lea na kakarating lang.
Maaga pa kasi kaya wala pang klase at konti pa lang ang estudyante.
"Oo naman--" naputol ang sinasabi ko ng magsalita si Mikki.
"Sayo na lang Lea" sabi ni Mikki.
Parang nasaktan ako. Syempre bigay ko yun sa kanya! Para sa kanya lahat yun, hindi naman ako magagalit kung magbigay siya pero yung ibigay niya lahat yung binigay ko kay Lea sa harapan ko pa? Grabe siya. Ang sama niya!"Oy, wag kang ganyan, binigay yan ni Lance sayo!" sabi ni Lea.
Tumingin si Lea sakin "Thank you Lance!"
Tumango lang ako saka nagpaalam na lalabas muna.
"Lance!" sigaw ng paparating na si Hans. "Aga mo a?"
"Nakakainis!" sabi ko.
"Bakit ka naiinis? Aga aga e"
"Binigyan ko ng chocolates si Mikki pero binigay niya lahat kay Lea! Nakakainis talaga!" pagaalburoto ko.
"Oy, bakit ako walang chocolates? Sana sakin mo na lang binigay edi nakatanggap ka pa sana ng thank you!"
"Sira! Para kay Mikki nga yun e"
"Grade one na tayo Lance, hindi ka pa rin sumusuko? Isang taon na pero hindi ka pa rin niya pinapansin"
"Mahalaga ba kung gaano katagal?" nagtatakang tanong ko.
"Oo naman no! Kasi nasasayang ang oras mo! Imbes na nakikipaglaro ka samin, sinusundan mo lang si Mikki, e parang invisible ka lang sa kanya, Hindi ka nakikita!" sabi ni Hans.
"Parang assignment kasi para sakin to e, mahihirapan ka muna sa pag-analyzed ng tanong bago mo makuha ang sagot" sagot ko.
Ewan ko ba bakit sa tingin ko parang isang mahirap na problem solving si Mikki at kailangan kong sagutin.
"Ang gulo mo kausap! Hindi kita maintindihan" kamot sa ulong sinabi ni Hans.
"Kelan ka ba nakaintindi?" naiinis na tanong ko.
"Pasok na tayo. Nandyan na si Ma'am!"
Lumipas pa ang ilang araw. Natutuwa ako kapag may klase at sumasagot o nagtatanong siya sa discussion. Siguro marami akong matututunan sa kanya. Ang talino niya e. Advanced ang utak.
Nagsiupo kami sa kanya kanyang upuan ng dumating ang teacher namin. "Good morning class" sabi ni Teacher.
"Good morning teacher!"
"Today, we'll going to have our class officers. Piliin niyo kung sino ang sa tingin ninyo ang magaling na leader. Okay?"
"Yes ma'am!"
"The nomination for the class President is now open, anyone?"
Halos lahat ng kaklase ko nagtaas ng kamay.
"Yes, Hans?"
"I nominate Lance Ivan Meneses for class president ma'am!"
Ano daw? Bakit ako?
Tumingin sakin si Hans sabay thumbs up. Loko to a?
"Yes, Lea"
Napalingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Lea.
"I nominate Mikki Gale Torres for class president!"
Tumingin ako kay Mikki. Nakakunot ang noo niya. Siguro hindi niya din nagustuhan ang pagnominate sa kanya.
"Ma'am!"
"Yes Greg?"
"I close the nomination!"
"I second the motion Ma'am!" sabi ni Nathan.
"Who'll vote for Lance?"
Ang daming nagtaas ng kamay. Ayokong maging president! Hindi ako handa!
"Who'll vote for Mikki?" Marami din ang bumoto sa kanya.
Halos magkasindami kami.
"The elected President is Lance Ivan Meneses, pumunta ka na dito, Ivan," si teacher.
Nagulat ako. Pagtingin ko sa blackboard, isa lang ang lamang ko kay Mikki. Bakit di pa siya ang nanalo? Kainis naman.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang bata ko pa para maging presidente. Anong alam ko dito? Matutuwa kaya sila Mom kapag sinabi kong na-elect ako as president ng class?
Wala along nagawa kundi tumayo at pumunta sa unahan.
"The nomination for vice president is now open" Sabi ko.
Ang daming nagtaas ng kamay para makaboto, halos lahat sila, syempre maliban kay Mikki na tahimik lang na nanonood.
"I vote Mikki Gale Torres!" sabi ni Nathan. Hindi man lang ako hinintay na tawagin siya.
Ano bang role ng vice president? Wala along alam tungkol sa ganito. Pero alam kong dapat magtulungan kami kaya sana manalo siya para may dahilan na para pansinin niya ako.
"Greg"
"I close the nomination"
"We second the motion!" sigaw ng mga kaklase ko.
Tinignan ko si Mikki. Kunot noo siyang lumingon sa buong klase, pero wala siyang sinabi at nagbuntong hininga na lang pagkatapos.
"Mikki Gale Torres is now our class vice president" Masayang sabi ko.
Natapos ang botohan.
Nung break time, nilapitan ko si Mikki.
"Hi Miss Vice" sabi ko.
Pero walang pagbabago. Para akong hangin na hindi niya nakikita. Maski paglingon at pagtingin sakin, hindi niya magawa.
"Tama na yan Lance. Tara kumain" yaya sakin ni Hans.
Pumunta kami sa canteen kasama sila Greg at Nathan.
"Lea! Lea! Dito na kayo!" sigaw ni Hans.
Napalingon ako at nakita ko si Lea at Mikki na naghahanap ng mauupuan. May dalawang bakanteng silya pa sa table namin. Ayun na lang ang available kaya no choice sila.
"Ang dami yatang kumakain ngayon?" tanong ni Lea.
"Palagi naman madaming tao dito. Ngayon lang kasi kayo nagcanteen" sabi ni Greg.
"Ah. May bibilhin lang naman kami, sa classroom na kami kakain"
"Bakit ayaw niyo dito?" nagtatakang tanong ko.
"Ayaw ni Mikki sa maraming tao" ayun lang ang sinabi ni Lea at tumayo na. "Sige, salamat sa upuan, kailangan na namin pumila," paalam niya.
Naunang umalis si Mikki at sumunod si Lea.
"Bakit ganun yun? Hindi man lang nakipag-usap?" tanong ni Nathan.
"Di ka pa nasanay?" sabi ni Greg.
Sinundan ko sila ng tingin.Nakapoker face lang si Mikki, kabaligtaran naman niya si Lea na palaging nakangiti.
Kinausap ni Lea si Mikki at nakita ko kung paanong umangat ang gilid ng labi ni Mikki. At tumatak na yun sa isip ko.
Gusto kong ako ung maging dahilan ng pag-angat ulit ng labi niya.Gusto ko talaga siyang maging kaibigan. Isang malaking achievement kapag nagawa ko yun. Siguro makukuntento na ko kapag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.