CHAPTER 75

3.5K 114 12
                                    

HAPPY 100K+ READS! ლ(́◉◞౪◟◉‵ლ)

Thank You guys!

****

Naupo ako sa tabi niya. Wala namang masama kung lilipat ako, wala na naman kaming seating arrangement.

Mikki stared at me, i stared back and smiled at her. Umiling na lang siya saka nagbukas ng libro at naglagay ng headset sa tenga niya. Sumandal ako sa inuupuan ko at sumilip sa binabasa niya.

How to properly say you're breaking up with him/her?

Napaupo ako ng maayos at namilog ang mga mata ko habang nakatitig kay Mikki.

"What?" she raised her eyebrows as she looked at me.

Tinuro ko yung hawak niyang libro. "Bakit ka nagbabasa ng ganyan? Makikipagbreak ka na ba agad sakin? Wala pa nga tayong twenty-four hours na mag-on!"

She frowned and looked at the book then she closed it and gave it to me.

Kunot-noo ko itong kinuha at tinignan ang title. The Four Stupid Letters.

Ano bang klaseng libro to? May stupid bang letra?

"Read it, so you'll know. Tss" biglang sabi ni Mikki.

Humilig na siya sa sandalan at pumikit. Tinago ko sa bag ko ang libro, sa bahay ko na lang babasahin, mas importante ang titigan si Mikki.

Hiniga ko ang ulo ko sa desk niya paharap sa kanya. I smiled as i stared at her. Hindi ko akalain na matititigan ko siya ng ganito kalapit. Parang panaginip lang.

"Mikki.." tawag ko pero hindi siya kumibo o dumilat man lang.
Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang kamay niyang nakapatong malapit sa mukha ko. I played with her fingers. My smile grew wider, ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko, nasa ulap ako.

Napaayos lang ako ng upo ng makarinig ako ng ingay, paglingon ko sa pinto, nakita ko si Camille na nakatingin sa mga kamay namin. She immediately averted her gaze when she noticed that i was looking at her. I smiled at her when our eyes met, tipid siyang gumanti ng ngiti saka ako nilagpasan at naupo sa pinakadulo.

Napabalik lang ang tingin ko kay Mikki nung alisin niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Sakto naman na sunud sunod ng dumating ang mga kaklase namin.

*

Lunch time.

"Seryoso?"

"Really?"

"Weh? Di nga?"

Sabay sabay na sabi nila Hans, Greg at Nathan. Mas lumaki ang ngiti ko habang tumatango ako sa kanila.

Tinaas ni Greg ang kamay niya at nakipaghi-five sakin. "Grats, man"

Ganun din ang ginawa ng dalawa. Ngising ngisi sila habang nakatingin sakin. Katabi ko lang si Mikki na tahimik na kumakain at walang pakielam sa paligid.

MISS NOT PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon