Walang book 2 but may special chapter(s?)! Ganyan kaintense ang love ko sa inyo ( ˘ ³˘)♥**
(This is what happened after their intensed kissing scene from the last chapter)
Ivan's POV
"Oh gosh! Basang basa kayo! Bakit kayo nagpaulan? Pasok dali! Baka magkasakit kayo!" sabi ni Tita Alyssa pagkahatid ko kay Mikki.
"Hindi na po Tita, sa bahay na po ako magpapalit" tanggi ko but she shook her head.
"Dito ka na muna. Sobrang lakas ng ulan baka kung mapano ka pa. Mikki ikaw nang bahala sa boyfriend mo, magluluto lang ako" sabi ni Tita Alyssa at tumuloy na sa kusina.
Binigyan kami ng towel ng maid nila at saka ako sumunod kay Mikki paakyat ng hagdan. Hinatid niya ko sa guess room na ginamit ko dati.
"I'll just find clothes you could wear. Suit yourself" sabi niya bago isarado ang pinto.
Pumasok ako sa banyo at nagshower. Sayang. Dapat pala sa kwarto na lang ni Mikki para shampoo at sabon niya ang magagamit ko. I bit my bottom lip at the thought. Bigla kong naalala yung kiss namin kanina. Napahawak ako sa labi ko at napapikit.
Ganun pala. Ganun pala ang pakiramdam. Ang sarap. Ang tamis. Parang gusto kong ulit ulitin. Nakakaadik. Hays.
I shook my head. Namamanyak na ata ako. What are you doing to me Mikki? Hays.
Pinatay ko na ang shower saka nagtuyo ng katawan bago sinuot ang robe. Lumabas ako ng banyo, my eyes landed on the bed and saw the clothes that Mikki lend me. Lumapit ako sa kama at isa isang tiningnan ang mga damit. Una kong nahawakan ang boxers. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na may ipapahiram sakin si Mikki ng boxers. Bakit meron siya nito? Sunod naman yung khaki shorts at yung nirvana shirt na kulay gray. I smiled automatically.
I wore the clothes and got surprised that it fits on me perfectly, na para bang para sakin talaga to. Hahawakan ko pa lang sana ang doorknob ng biglang bumukas ang pinto at bumangad sakin si Mikki.
Her eyebrows raised as she looked at me from head-to-toe then smiled. "Kasya?" she asked.
I nodded and smiled back.
"Kay Kerr ba to?" tanong ko pagkatalikod niya at nagsimulang maglakad. I followed suit.
"It's yours" sagot niya na nagpatigil sakin sa paglalakad.
"Sakin?" Di siguradong tanong ko.
She stopped and looked at me over her shoulder then she turned around to face me and tilted her head. "Yes. Pasalubong" she shrugged.
My lips curved into a loopsided smile. "Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.
She nodded her head.
Ang puso ko tumatalon na naman sa sobrang tuwa. Humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap siya. "Thank you" nakangiting sabi ko habang hinihigpitan ko pa ang yakap.
She patted my back and pulled away. "Let's go. Nagluto si Mommy ng sopas" sabi niya saka nauna na ulit maglakad.
Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makababa kami at makarating sa dining room. Tita Alyssa smiled at me. "Upo na kayo" sabi niya.
"Kayo po?" tanong ko ng nanatili siyang nakatayo sa harap namin.
She shook her head "We're done. Nagtimpla lang ako ng kape for your Tito Marco" she said.
![](https://img.wattpad.com/cover/26688512-288-k485278.jpg)
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.