Natulala ako.Wala na akong nagawa nung hinila na niya ako palabas ng ospital at papunta sa kotse ko.
"Keys" sabi niya.
Para naman akong robot na kinuha sa bulsa ko ang susi ng kotse at inabot sa kanya. I then sighed when she opened the door for me. What's wrong with her?
I shook my head before hopping in my car.
She started the engine and doesn't say anything. I just stared at her.
Pamilyar ang daan kaya sigurado akong sa bahay ang tuloy namin.
"You don't have to do this," sabi ko pagkaabot niya sakin ng susi. Nasa tapat na kami ngayon ng bahay ko.
She just shook her head and left me. Pipigilan ko sana siya nang may biglang sumulpot na kotse sa harap niya. I saw Kerr on the driver's, sumakay na si Mikki at umalis na sila.
Napailing na lang akong pumasok sa bahay. Maybe she's guilty kaya nya ginawa yun. Ganun na pala ang meaning ng stay sa kanya. Ipagdadrive ka lang pauwi. I should have known better. Tss. Okay. Aaminin ko, nawala yung barrier na nilagay ko sa pagitan namin after kong narinig yung sinabi niya and I'm stupid enough to forget that she is Mikki Gale Torres, a girl who doesn't give a damn.
Ilang buntong hininga pa ang pinakawalan ko. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng isip ko. I don't curse but.. dammit.
**
Sinundo ako nila Greg, Camille, Hans at Nathan sa bahay. Sinigurado nilang sasama ako sa house blessing nila Lea at wala naman na akong nagawa dahil hindi nila ako tinigilan hangga't hindi ako naliligo at nagbibihis. We arrived early. Wala pang mga bisita, kami palang. Medyo nakakahiya pero masyadong makakapal ang mukha ng mga kaibigan ko.
Nakita ko si Kerr na kakababa lang at mukhang bagong gising.
Dito siya nakatira?
Nakita siguro ni Lea ang pagkunot ng noo ko kaya naman nasagot yung tanong sa isip ko.
"He's my cousin. Hindi ko ba nasabi?" tanong niya.
Medyo nashock kami maliban kay Greg.
Isa-isang nagsidatingan ang mga bisita. Hanggang sa mahagip na nang mga mata ko si Mikki na kaholding hands si Kerr.
Nag-iwas agad ako ng tingin at nakinig na lang sa usapan nila Hans. Pagkatapos bless-an ang bagong bahay nila Lea, nagsimula nang magsikain ang mga bisita. Sa labas kami puwesto nila Hans. Tahimik lang kami, syempre maraming bisita at hindi namin kakilala. Kaya ayokong pumunta e, medyo OP kami dito.
"Why do we have to be with them?" narinig kong sinabi ni Kerr habang papalapit sila sa table namin.
Nilingon ko sila and I saw Mikki sitting in front of me while Kerr sat beside her.
I sighed.
I need to get out of this.
I tried very hard to ignore them and only focused my eyes on my empty plate.
"Ivan, gutom ka pa? Kanina ka pa nakatitig sa plato mo. Nahihiya ka bang bumalik? Haha" sabi ni Hans na sinamaan ko agad ng tingin.
"I have to go" paalam ko at tumayo na ko.
Hindi ko na sila hinintay sumagot, for sure pipigilan lang nila ako. I don't wanna be here anymore. How could I keep my distance if she's always around me? Hays.
Hinanap ko si Lea para magpaalam, but I can't find her. Rude naman kung hindi ako magpapaalam sa kanya kaya no choice, kailangan ko siyang hintayin. I stayed inside their kitchen, ayoko ng bumalik sa pwesto nila Hans. Pero wrong move pa rin dahil nasa labas lang sila Mikki. Kitang kita ng dalawang mga mata ko kung paano yakapin ni Kerr si Mikki ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.