Buong gabi akong hindi pinatulog ng makasalanang baso na yun! Kapag naaalala ko kung paanong ilapat ni Mikki ang labi niya sa baso, napapakagat nalang ako sa labi ko.I sighed. Hindi na to normal.
Tumunog ang alarm clock ko, ibig sabihin kailangan ko ng bumangon at maghanda sa pagpasok. Isighed again. Wala pa akong tulog.
Maaga akong nakarating sa school. Wala pang masyadong estudyante, pero nadatnan ko na si Mikki at Lea sa classroom namin.
"Lea?" tanong ko. Hindi naman kasi dito yung klase niya.
"Good morning Ivan!" she greeted me with all smile.
"Good morning. Maganda yata ang mood mo?"
"Syempre. Maganda kasi ako. Haha" tatawa tawang sabi nito. "O, siya, since may kasama na si Mikki, aalis na ko. Hinihintay na ko ng future boyfriend ko e. Buh-bye"
I wasn't able to react coz she went out of the room immediately. I looked at Mikki who's sitting next to my chair while shaking her head.
I cleared my throat "Good..morning"
I heaved a sigh. She didn't respond. Now, it's still awkward.
Nilapag ko ang bag ko at naupo sa tabi niya. I suddenly took a deep breath when I feel something strange in my system. Abnormal heart beats comes rushing.
Silence.
Sumubsob ako sa armchair. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pero abnormal pa rin ang tibok ng puso ko. Naipikit ko na lang ang mga mata ko. Ngayon ako dinadalaw ng antok, kaya naman tumunghay na ko bago pa ako tuluyang makatulog dito.
I shook my head para mawala kahit papano yung antok ko. Maaga pa, iilan palang kami dito sa loob ng claasroom. Napatingin ako kay Mikki na nagbabasa ng libro.
Mahilig talaga siyang magbasa. I should buy her books, next time.
Teka. Bakit ko naman siya bibilhan ng libro? Hindi naman ako nanliligaw at wala akong balak.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya, nagiging hobby ko na yata ang pagtitig sa kanya. Masama na ata to.
I sighed.
Tumayo ako at lumabas para magpahangin. Nakita ko si Ella na paparating.
"Good morning!" bati niya saka tumabi sakin. Nakaupo kami sa bench sa tapat ng classroom namin.
"So..?" tanong niya.
I looked at her frowning.
"Nabigay mo ba ulit yung bear?" tanong niya.
I sighed before I nodded.
"Really?!" heto na naman siya. Naeexcite masyado, mamaya machismis na naman kami. Tss.
"Can you calm down?" I asked.
Malapad ang ngiti niya habang tumango at naupo muli sa tabi ko.
"So, what's the score?"
I frowned again.
"What do you mean?" nalilitong tanong ko.
"Oh, come on! Don't tell me, hindi ka pa naporma?"
"What? No way" sabi ko.
Imposible, ayoko.
"What? Are you serious? You like her but you don't want her to be your girlfriend? Are you kidding me?!" she said hysterically.
"Wala sa isip ko yan. Ayokong isipin yan" sagot ko.
Girlfriend? Do I want her to be my girlfriend?
What a question?
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.