CHAPTER 80

3.4K 91 23
                                    


Mabilis lumipas ang mga araw. Mikki became distant pagkatapos maaksidente ni Kerr. Minsan nga nagaabsent pa siya at sabi ni Lea, palagi daw binabantayan si Kerr. At first, I understood pero habang tumatagal, nakakaramdam na ako ng sakit dahil hindi ko na siya maramdaman. The feeling of having her beside me but her thoughts were somewhere faraway was somewhat painful.

"Hindi umuwi" sabi ng maid nila Mikki nung susunduin ko sana.

I heaved a sighed.

I tried to call her but her phone's unattended. Tinext ko na lang siya at tinanong kung nasaan siya kahit alam ko naman kung saan siya nagpagabi.

Okay na si Kerr, nagpapagaling na lang. Successful ang second surgery at wala ng kasunod. Mag-iisang buwan na din siyang nakaadmit dahil ayaw siyang payagan ng doktor na makalabas hanggat hindi pa gaanong magaling ang fractures niya.

Mikki was very hands on for taking care of him. Wala naman akong magagawa kung ayun ang gusto niya. Pero naging busy na siya kay Kerr at parang nakalimutan na niyang may boyfriend siya.

Sa ospital ako dumaretso. Hindi ako kumatok o nagbalak na pumasok sa private room ni Kerr. I waited outside, im sure anytime, lalabas si Mikki. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko nang niluwa ng pinto si Mikki.

Tumayo agad ako at sinalubong siya. The crease on her forehead was already there when I approached her.

"Mikki.." tawag ko. I stopped two steps away from her as I shove my hands onto my pockets.

She stared at me then sighed.

I gave her a small smile pero hindi ako lumapit sa kanya. "Hindi ka ba papasok?" I asked.

Nakatitig lang siya sakin bago umiling.

"Okay. Aalis na ko, baka kasi malate ako" sabi ko at tumalikod na.

I bit my lips and ruffled my hair as I stepped forward. Hindi ko naman gusto na basta na lang siya talikuran pero kung tititigan ko pa siya baka magsimula akong magtanong kung anong nangyayari at parang lumalayo siya sakin. Im not ready. Okay na ko sa ganito. Natatakot ako sa sasabihin niya.

My steps were halted when I felt a hand on my shoulder. I looked over my shoulder and I saw her. Her eyes shows longing. Longing for what? I don't know. I hope for me, I hope for us.

"Coffee?" she asked.

Unti unti akong napangiti at tumango. This is the thing about Mikki, hindi ko siya kayang tanggihan.

Lumabas kami ng ospital at pumasok sa malapit na coffee shop. I ordered two cappucino, pancakes and panini for us. I placed the tray on the table and sat across her. Isa isa kong inalis sa tray ang inorder ko. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa pagkain. "You'll be late" sabi niya.

I smiled at her. "Okay lang. Hindi ka pa nakain di ba? Sasamahan muna kita" sabi ko. Nagslice ako ng pancakes at tinapat sa kanya. "Eat, please"

I saw her smiled before she opened her mouth and eat, kaya napangiti na rin ako. Tahimik kaming kumain. Hindi ako nagtanong, hinayaan ko lang siyang makakain dahil napansin kong medyo pumayat siya. Ang payat na nga niya, mas pumayat pa siya. Tss.

"Uuwi ka na ba? Gusto mo ihatid kita?" tanong ko pagkatapos namin kumain.

She shook her head and frowned again. "Uuwi na si Kerr, sasamahan ko" she said and stared at me.

I heaved a sigh. Kerr.

"Okay" nasabi ko nalang.

"Hindi rin ako papasok bukas until friday" sabi pa niya kaya napakunot ang noo ko. "Wag ka munang pumunta sa bahay" dagdag niya saka nag-iwas ng tingin at nagbuntong hininga.

MISS NOT PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon