Ivan' s POV"Ayaw niya kong makita. Tss" I exclaimed and chugged the beer.
"Baka naman may dahilan. Sabi ni Maycy palagi daw naalis si Mikki" sabi ni Greg.
I frowned.
"Saan naman daw napunta?" tanong ko.
Greg shook his head. "Hindi daw sinasabi e."
I heaved a sigh.
"Hindi ba kayo nagkakatext?" tanong ni Hans.
"Nagtetext pero saglit lang as in mga dalawa o tatlong reply lang." sagot ko at uminom ulit.
"Sa tingin ko naman wala talagang hilig sa text si Mikki" sabi ni Greg.
I smirked. "Wala naman talaga. Ayaw nga nun sumagot sa tawag. Tss"
"Ang hirap palang maging girlfriend ni Mikki, buti na lang sinulot mo siya sakin" singit ni Nathan.
Sinamaan ko siya ng tingin "Sira. Anong sinulot? Hindi naman kayo" I hissed.
"Puntahan mo na kasi" sabi pa nito.
Binato siya ni Greg ng throwpillow "Ayaw nga ni Mikki! Hindi ka nakikinig"
"What the! Hindi mo kailangang mambato dude!" sigaw ni Nathan at binato pabalik kay Greg ang unan.
Para silang bata. Tss.
"Seriously? Bakit daw?"
I sighed at inisang lagok ang laman ng bote ng beer. "Walang sinabi basta sabi niya wag muna" sabi ko habang napapailing.
"Wag muna" ulit ni Greg "Yun naman pala e, may muna. Ibig sabihin, for the meantime lang. Tanungin mo na lang kung kailan pwede"
Napaisip ako. Oo nga. Tss. Masyado akong nagdadrama dito at hindi ko inintindi ang sinasabi niya. Tss.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Mikki.
To: My Girlfriend <3
Kailan ako pwedeng pumunta sa inyo?
Ilang minuto akong nakatitig sa phone ko pero walang dumating na message. I heaved a sigh. Kumuha ako ng bagong bukas na bote ng beer at uminom.
"Ano? Nagreply na?" tanong ni Nathan.
Umiling ako.
"Call her" he suggested.
"Tss. Hindi nga nagrereply edi mas lalong hindi sasagot sa tawag yun" sabi ko.
"Ang gulo niyo. Maghiwalay na lang kayo para walang problema" sabi pa niya.
Lumipad ang tatlong unan kay Nathan.
"Hey!" sigaw niya.
"Nice suggestion dude" sabi ni Greg.
Umiling lang si Hans.
"Siraulo" I hissed.
Bwisit. Namomroblema na ko dito magsasuggest pa ng hiwalay? As if gagawin ko yun! Pinaghirapan ko kung nasaan ako ngayon kaya gagawin ko ang lahat maayos lang to.
"Pupunta ako mamaya kay Lea dude, sama ka?" tanong bigla na Hans.
I looked at him and frowned "Kayo na ba ni Lea?" tanong ko.
Hans raised his eyebrows and shook his head. "No way" then smirked.
Ang labo.
"Bakit lagi kayong magkasama? Sa pagkakatanda ko, iniiwasan ka niya"
BINABASA MO ANG
MISS NOT PERFECT
Teen FictionCOMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.