CHAPTER 47

4.1K 109 2
                                    


Ivan's POV

At exactly 7am, I've always been awakened by the bark of Mikki's puppy for five days now.

Babangon ako, magtutoothbrush, masashower, magbibilis, bubuhatin si Cutie tapos bababa at tutuloy sa kitchen para kumain. It became my routine since sembreak at wala naman akong gagawin.

Tinuruan ko din siya ng kaunting tricks. Magugulat si Mikki at Lea for sure. I smiled at the thought.

Sa loob ng limang araw, wala akong balita tungkol sa kanila, hindi ko din alam kung kelan ang balik ni Mikki. I tried to text her but as usual, she didn't replay. I wonder if she knows it's me who keep on texting her. Hindi naman kasi ako nagpapakilala.

Lumipas pa ang dalawang araw. Nakauei na si Lea pero sila Mikki hindi pa. Nalaman kong hindi sila magkasama.

"Hindi mo ba namimis si Mikki?" nakangising tanong ni Greg.

Hindi ko siya pinansin at nakapaglaro na lang ako kay Cutie.

"Miss mo na no?" tanong ulit niya.

"Bakit ka napadpad dito?" pagiiba ko sa usapan.

I heard him chuckled. "Im bored, wala kasi si Maycy at naisip kita. Baka kasi pareho tayong namimiss yung magkapatid" he smirked.

"Psh." napailing na lang ako.

Bakit ko naman siya mamimis? E kapag kasama ko naman yun parang hindi ko pa rin siya kasama.

"Cutie sit" utos ko kay Cutie na sumunod naman agad "Good boy" i patted his head.

"Uuwi na sila bukas" biglang sabi ni Greg.

Kunot noo akong tumingin sa kanya.
Bakit niya sinasabi? Hindi naman ako nsgtatanong. Psh.

"Sinasabi ko lang" he shrugged na parang nabasa ang iniisip ko. "Balita ko friends na daw kayo ni Mikki? Ano naman ang pakiramdam na atlast nakuha mo na,loob niya? After 9 years dude!"

I cringed and shook my head.

"Hindi ko ramdam dude. Parang sinabi niya lang na friends na kami pero ganun pa rin siya kacold" i sighed.

"Masanay ka na, ganun lang talaga yun. Goodluck dude" He patted my shoulder saka tumayo. "Aalis na ko, magbobowling kami nila Hans baka gusto mong sumama?"

Tumanggi ako. Napailing nalang ako nang makaalis na si Greg.

Mikki.

Aaminin ko, confused pa din ako. Hindi ko alam kung matutuwa akong kaibigan ko na siya, para kasing may kulang. Parang labag pa sa kalooban niya. Tss.

'I like you'

Naalala ko bigla yung tatlong salita na yun ay nagpaulit ulit pang nagpeplay sa utak ko.

Ang sarap pakinggan. Bigla na naman tuloy naging abnormal ang puso ko, bumilis ang pintig na parang lalabas na sa ribs ko.

Hays. Abnormal na talaga ko.

**

Gabi na. Patulog na ko, tulog na din si Cutie sa gilid ng kama ko nang marinig kong may nagdoorbell, maya maya pa narinig ko si Nanay Lotty na sinabing may bisita ako kaya naman lumabas ako ng kwarto at bumaba para tignan kung sino naman kaya ang bibisita nang ganitong oras. 10:30 pm na kasi, hindi ba niya naisip na baka tulog na ko?

"Nasan po?" tanong ko kay Nanay Lotty nang wala akong makitang tao sa salas.

"Nasa labas hijo, ayaw pumasok e, maghihintay na lang daw siya dun"
Napakunot ang noo ko.

MISS NOT PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon