CHAPTER 77

3.5K 107 8
                                    


"Ilang shots ang binigay ni Tito Marco sayo?" tanong ni Greg.

Nandito na kami sa bahay ko. Kakauwi ko lang nang maabutan ko siyang nakaupo sa sofa namin kasama sila Hans at Nathan. Kailangan daw icelebrate ang pagiging official namin ni Mikki.

Ininom ko muna yung shot na inabot niya bago sumagot. "Two"

He frowned at me na parang hindi siya naniwala sa sinabi ko pero umiling din dahil alam niyang hindi ako nagsisinungaling.

"Man, congrats!" sabi nito at tinapik tapik ang balikat ko.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

He grinned. "I've got five shots before I was able to convinced him that im really serious with Maycy" sabi nito habang umiiling. "I was exhausted and very wasted after. Hindi na ko nakatayo o nakaupo man lang ng maayos sa sobrang kalasingan"

Nagulat ako sa sinabi niya. Five? E, ako nga dalawang shot lang hilong hilo na!

"Parang ang exaggerated naman ng sinabi mo dude. Five shots lang? Really?" Nathan interjected.

Greg chugged his shot and shrugged his shoulders. "You should try it, para maniwala ka" he said.

We drink in silence for a minute but my phone beeped and got my attention. Hindi ko na sana papansinin dahil baka group message lang pero wala namang mawawala kung titignan ko, malay ko ba kung namimiss na ko ni Mikki at bigla akong naisipan itext? I bit my lips to suppress my smile, baka isipin nila Greg baliw na ko which is malapit na dahil kay Mikki.

From: Camille

Im outside your house

My eyes widened in shocked and immediately looked at Hans.

"What?" he asked when he caught me looking at him.

"Nasa labas si Camille" I said hesitantly.

Napahinto siya sa pag-inom at biglang kumunot ang noo at umiwas ng tingin sakin.

"Pwede kong sabihin na wala ako dito" sabi ko.

Simula ng umiwas samin si Camille, hindi na siya binabanggit ng isa samin dahil alam naming sensitive topic siya para kay Hans.

"Papasukin mo" he said.

Tahimik kaming napatingin sa kanya. Mukha siyang seryoso at patuloy lang sa pag-inom. Alam ko masakit sa kanya ang mareject. Ako nga, sobrang nasaktan nung walang response si Mikki e, paano na lang kung binasted niya ko? Heck, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin.

"Are you sure dude?" tanong ni Nathan.

Hans just shrugged his shoulders.

Tumango naman si Greg sakin kaya tumayo na ko para pagbuksan ng gate si Camille. Bakit kaya siya nandito?

"Hi" bati niya saka ngumiti.

I smiled at her and invited her inside. She stopped when we entered the house and saw the three boys at the living room.

"Nandito nga pala sila" sabi ko habang pinagmamasdan siyang parang hindi mapakali.

"Im sorry, I didn't know. I think I should go" sabi niya at patalikod na sana ng tumayo si Hans at lumapit samin.

"Where are you going? Join us" sabi niya habang nakatitig kay Camille.

Camille looked at me and her eyes were pleading for a help. I sighed and rubbed my nape. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Naiipit ako sa dalawang to. Tss.

MISS NOT PERFECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon