Sabine's POV
"Ano bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang mag-sorry dun sa nangyari dati sa mall. Nagmamadali kasi ako."
"Alam ko namang natatae ka na. Itsura pa lang ng mukha mo." Tapos natawa siya.
"Ahahaha. Sabi mo eh." Tss. Ano kaya yung nangyari sa kanya? Char! Wala akong paki! Saka paano ko makukuha yung number niya?
"Okay. Hindi ako natae. May humahabol kasi sa akin." Ay ganun kuya? "Dahil naperwisyo kita ano bang gusto mong kapalit?" Kapalit? Hhhmmmm. Katawan niya na lang kaya? JOKE. Humahabol? Baka naman may mga pinagkaka-utangan siya kaso imposible naman yun. Ang yaman kaya ng pamilya nila. Hindi na ako masyadong nagtanong tungkol doon sa habulan session niya sa mall. Ano kayang kapalit ang gusto ko?
Ahahahaha. evil grin. Syempre alam na!
"Give me your cellphone number." halatang nagulat siya.
"Ang bilis mo naman! Kakakilala pa lang natin. Na love at first sight ka siguro sa akin." Ang kapal naman. Ay naku. Kung hindi lang nagdrama si Jasmine eh hindi ko naman kukunin yung number ng gorilla na ito! Makapag-shades ba naman sa gabi? The sun never sets siguro ang motto niya sa buhay.
"Ibibigay mo ba o hindi?" Tapos nag evil grin siya.
"Basta ba ibibigay mo din number mo." GRRRR. Sablay naman. Kukunin ko lang dapat yung number niya pero hindi ko siya itetext. Ipapakita ko lang kay Jasmine tapos delete na kaagad. Ibang number na lang ibibigay ko. Hahaha. Ay alam ko na! Ibibigay ko yung Nikel! Bading yun tapos naghahanap ng papa! Solve na solve siya dito!
"Fine!" Nilabas ko yung phone ko tapos bigla niya naman hinablot.
"Ilalagay ko na yung phone number ko." Tapos biglang may nag-ring.
"Ayan nakuha ko na din number mo." WAAAAHHHHHH. Maabilidad siya! Potek. Ano ba yan! Ang aking brilliant plans!!! Sana naman hindi niya ako guluhin. Nakakapanlumo dahil naisahan niya ako. Tawa nga siya ng tawa kasi mukha daw akong natalo sa sweepstakes. Malamang!
Bumalik na rin kami sa sankatauhan. Pumunta siya sa Mama niya at ako naman sa family ko.
"Anong ginawa niyo doon?"
"Wala lang po Dad. Nag-sorry lang po siya kasi natapunan niya ako ng shake sa mall."
"Talaga?" Tanong naman ni Cyrus.
"Oo naman!" Sabi ni Jasmine. "Nakuha mo ba?"
"Ano yun?"
"Labas ka na dun Cyrus!"
"Potek. Bestfriend din ako." Yeah right.
"Tama na nga. Nakuha ko okay?" Tuwang-tuwa si Jas. "Kaso nakuha niya din yung akin" At mas lalo siyang natuwa. Naaamoy niya na daw ang pag-ibig. Eh hindi maka-relate si Cyrus kaya umalis na siya.
Cyrus....
Jasmine's POV
Ang daming nangyari ngayong summer. Natapunan si Sab ng shake ng isang gwapong lalaki. Tapos si guy no. 10 yung nakatapon ng shake na anak ng may-ari ng resort kung saan kami nag-sstay ngayon.
Tapos ito namang Cyrus hindi mapakali habang magkasama si Sab at Red. Ganyan kasi ang nangyayari kapag binabalewala mo ang isang bagay. Tss. Nung nandyan parang wala lang tapos kapag wala na pipiliting bumalik. Hindi ko nga alam kung bakit nagtyatyaga si Sabine kay Cyrus. Medyo masama ang ugali. Hindi ba naman naniwala sa akin nung sabihin kong inaaway nung malandi niyang girlfriend si Sab. Inis na inis talaga ako sa kanya. Sayang nga dahil crush ko siya noon.
It's a long and old story.
"Kanina ka pa ah. Bakit hindi ka mapakali?"
"Magkakilala ba sila?"
"Medyo. Selos ka?"
"ASA." Mukhang kakainin mo yang mga sinabi mo Cyrus.
Cyrus' POV
AMP. Umalis na ako doon sa table. Inaaway kasi ako nung Jasmine na yun. May malaki atang galit sa akin yun. Bestfriend din naman ako. Kahit papaano may karapatan din ako na malaman yun. Pero masama akong bestfriend.
"Cyrus, anak."
"Po?"
"Siya yung anak ng boss ko. Si Red" Aaaaaaaaaaaahhhhh. Yung walanghiya na nagtapon ng shake kay Sab.
"Nice to meet you." Sinabi ko in a cold manner. Malamang kasi malamig din yung shake na natapon kay Sab. Dapat cold din ang treatment sa kanya. Saka hindi ako mapakali sa lalaking ito parang may something sa kanya. Hindi ko ma-explain.
"O, alis muna ako. I-entertain mo siya." Bakit ako? Eh ako nga ang bisita dito.
"May tanong ako." Tss. "Ano mo si Sabine?" Pakialam niya ba? Bestfriend ako.
"Bestfriend" Eh ikaw. STRANGER.
"Bestfriend lang pala. Akala ko boyfriend ka." Tapos tumawa siya. Anong masama kung ganun lang kami? Saka "lang" dapat hindi nila-"lang" ang pagiging bestfriends.
Tapos tinawag niya sina Sab.
"Sabine!" Lumapit naman si Sabine kasama si Jasmine.
"Bakit? Shake boy."
"Labs naman. Matapos mong kunin ang number ko ang cold mo na bigla." Nagulat si Sab tapos tumawa si Jas. Kinuha yung number? Gagawin yun ni Sab?
"Tumigil ka nga" Tapos tumingin siya sa akin.
"Kinuha mo number niya?"
"Oo eh. Wala naman akong magawa. Magagalit kasi sa akin itong si Jas." Eh paano kung ako naman ang magalit?
"So, I should be thanking you" Tapos inoffer niya yung kamay niya kay Jasmine.
"Jasmine" Tapos nag shake hands sila "Red"
Wow. Close na sila. Taena. Ang ulo ko sumasakit. Tapos biglang umakyat yung boss ni Mama sa stage. Tinatanong kung sinong gustong mag intermission number.
"SI SABINE POOOOO!!!" Kumakanta si Sabine?
"Hindi ako kumakanta. Ikaw kaya ang singer sa atin."
"Wow. Songbird." sabi ni Red
"Che! Narinig na kita dati!"
Pero bakit ako hindi pa?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?