[A/N: Pasensya kung magulo. >___< Imbyerna net namin eh! Di ako makapag-edit. TT_TT This chapter is a mess. Chos! Basta halo-halo ang emotion dito.]
Fast Forward >>
SUNDAY: A day before the periodical exams.
Sab's POV
"Hello, pwede po kay Cyrus?"
"Naku, tumatae. HAHAHA"
"PAPA!!/GRABE KA NAMAN TITO!" nagkasabay pa kami ni Cyrus. Baliwag talaga 'tong Tatay niya parang yung Nanay ko lang.
"Akin na nga yan!" Narinig ko sa background
Naririnig ko paring tumatawa si Tito.
"O bakit ka napatawag?" Grabe. Nagtatampo pa rin itong lalaking 'to! Sakalin ko na kaya? Eh sa yun naman talaga ang nararamdaman ko eh. Yun ang gusto kong paniwalaan dahil pagod na akong umasa.
"Duh. Perio na bukas di ba? We have to review. Punta na ako diyan."
"Eh bakit tumawag ka pa?"
"Baka kasi wala ka. Tss. Bye."
Di man lang nag-bye! Binabaan pa ako. Shete.
Anyway, syempre pumunta pa rin ako. Sabay naman talaga kaming nagrereview kapag may Perio. Pumasok na kaagad ako sa bahay nila tapos nakita ako ni Tito tapos tumawa na naman. Muntimang lang. Nag-usap lang kami saglit tapos umakyat na ako sa kwarto ni Cyrus.
"Mahal, andito na ako." >:)
"Ang tagal mo naman, Mura" >:)
-______-
Dapat ako ang mang-iinis pero ako pa rin ang nainis.
"Dalian mo nga! Mag-aral na tayo!"
Jasmine's POV
"Hello, pwede po kay Red?"
"Ma'am Jas? Wala po si Ser dito."
Tingnan mo ito. Masyado namang pinapahalata na lagi akong tumatawag.
"Ay ganun po ba. Sige po."
"Sige po. Bye Ma'am Jas. Sabihin ko na lang na tumawag ka."
Toot toot toot
Bakit ako tumawag?
Wala lang.
Wala lang talaga.
*kring* *kring* *kring*
Sabi ni Mommy sa akin na kailangan paabutin ng tatlong ring bago sagutin ang phone.
*kring* *kring* *kring*
Pero mas feel kong paabutin ng anim kapag ako ang sasagot.
"Hell---"
"TAKTE NAMAN JASMINE! ANG TAGAL MONG SUMAGOT!"
"Ser Red?"
"Baliw. Bakit ka tumawag?"
"Wala lang. Kailangan ba may dahilan? Saka sabi sa akin kanina wala ka daw ah."
"Pwes nandito na ako ngayon. Punta ka dito? Group study tayo."
"GROUP STUDY? TAYONG DALAWA LANG!?"
"Ay hindi. Tayong tatlo. Dalawa ka naman eh. Hahaha."
*blag*
Binabaan ko nga ng telepono. Akala niya ah! Bilis maka-move on nung pangit na yun eh. Iba na talaga ang ex-playboy pwedeng bumalik sa pagka-playboy. Agad-agad?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Fiksi RemajaNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?