Sabine's POV
#4
Harujusko! Nagulat naman ako sa sinabi ni Valerie! Hanggang ngayon after one week ay tulala pa rin ako at pinag-iisipan kung bakit para sa akin yung kantang yun? Hindi ko kasi talaga maintindihan. Syempre kung yung crush mo kinantahan ka hindi ka ba naman magtatalon sa tuwa...sa isip mo? Anyway, tatanungin ko na lang si Valerie kung anong ibig sabihin niya at baka niloloko niya lang ako dahil alam niyang crush ko si Ken. Oh my! Baka alam niya na ako yung gusto ni *cough* Red *cough* kaya ginagantihan ako?
Sapakin ko kaya siya? Haha. Alam naman na kung para kanino ang puso ko.
Speaking of "para kanino ang puso ko" ay hindi pa rin ako pinapansin ng baliw na yun. Nakakainis na nga eh. Kaunti na lang talaga itatali ko na siya sa upuan at I'll interrogate him.
"Cyrus, iniiwasan mo ba ako?"
"So narealize mo na ba na ako talaga ang babaeng para sa iyo?"
"Pinagsisisihan mo na ba ang pag-deadma sa beauty ko?"
"Natatakot ka bang mawala ako?"
As if kaya kong gawin yan.
I sighed.
"Hoy Sabine Krystal! Nag-eemo ka na namang babae ka! Hayaan mo na nga yung si Cyrus. I'm sure nag-iinarte lang yun or something. Hindi siguro matanggap na ang gusto nung babaeng minahal at sinaktan siya ay yung Kuya Wesley mo." sabi ni Jas
"Jas?"
"Yes?"
"Gusto mo na bang mamatay?" tanong ko.
Kailangan niya pa bang sabihin yun? Dinadagdagan niya lang yung mga nai-imagine ko eh! Bwisit! Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet na malagkit! Hindi ko na talaga kaya! I'll corner him na talaga! Humanda siya! Wala siyang kawala! Hmp.
Tapos dumating na rin sa wakas yung teacher namin kaya nagsibalikan na kami sa upuan namin. Hindi naman ako nakikinig basta sulat na lang ako nang sulat. Hayaan na. Ang dami kasing iniisip eh.
"Sabine, kunin mo nga yung test papers niyo sa faculty."
Galit ba talaga sa akin si Cyrus? Bakit? Kasalanan ko ba na malandi talaga yung ex-girlfriend niya at may nalalaman pang sincere daw siya. PWEH!
"Miss Sabine. In love ka ba?"
Kinakausap pala ako ng teacher namin!
"Yes!?"
Yun na lang ang sinagot ko dahil hindi ko narinig yung tanong niya! Medyo di ko talaga naintindihan eh. Bigla ba namang nagtawanan yung mga classmate ko!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"
Ano ba yung tanong?
"So in love ka nga ngayon."
"Ano po? Sino pong in love? Hindi po ah!"
"Sows. Ngayon naman deny ka pa ah!" asar nung isa kong classmate!
OH MY GOD! Yun ba yung tanong? Bwisit!
"Ay oh! Namumula si Sabine! Yiiiiii~ Dalaga na siya!"
CHE! Pagsasapakin ko kayong lahat! Yumuko na lang ako at inilubog ang sarili sa kahihiyan! Hallleeeerrrr!! Halatang hindi ako nakikinig. Hmp. Baka minus points ito sa teacher namin. Huhu
"Sino ba yang mahal mo, Sabine? Napakaswerte naman niya at kahit may klase ay iniisip mo siya." Tanong nung teacher ko.
PAKIALAM NIYO BA 'CHER? Di nga ako pinapansin nung hinayupak na yun eh. Che! Hahaha. Titingnan ko na sana si Cyrus kaso kapag tiningnan ko siya malalaman ng mga classmate ko! Waaaahhhh! Gusto kong makita yung reaction niya eh. Huhu
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?