You Belong With Me [Chapter 32: Hanggang Ngayon]

1.7K 26 7
                                    

Sabine's POV

After naming mag-asaran ni Red ay umalis na rin siya kasi bawal talaga yung mga taga-ibang section sa classroom namin. Ganun din naman sa iba, bawal din kaming pumasok. Natapos na din yung classes for today. Nawindang naman yung utak ko sa Calculus! Hindi ko talaga magets kahit baliktarin ko yung notebook ko. Magpapaturo na lang siguro ako kay Jasmine mamaya. Pupunta kasi si Cyrus at Jasmine sa bahay. Gusto kasi ni Jas na maging SUPER romantic yung scene namin ni Cyrus. Kailangan daw kiligin yung audience! Haalllleeeeerrr? Maari ba iyon?

"Sabay ako sa inyong umuwi ah!" manggugulo na naman si ungas.

"Di pwede! May practice kami nila Cyrus!"

"Yung kissing scene niyo?" Tss.

"Oo, dapat kasi ppuuuuuurrrffeeeect yun!"

"Ah. Sama ako sa practice niyo ah."

"No way, Red! Friend ka namin pero taga-ibang section ka pa rin!" bigla na lang umepal si Jas.

"Naman, Jas oh."

"Don't worry. Babantayan ko naman itong si Manang mo."

"EEEEEEEEEEEEEEWWWWWWWWW~"

"Tss. Sige, text na lang kita Nang."

"Ewan ko sayo! Babush!"

"Aalis na ba tayo?" bigla namang dumating si Cyrus.

"Yes, let's go!" Ay grabe. Ang saya ata ni Jasmine ngayon.

Jasmine's POV

Abot langit talaga yung selos ni Red at Cyrus sa isa't-isa. Ramdam na randam ko kahit nasa 4th floor ako at nasa ground floor sila at mas lalo kong naramdaman nung lumapit na ako sa kanila. Si Red kasi sumabay sa amin hanggang gate tapos sumakay na ng jeep papunta sa kanila. Natatawa talaga ako kapag nakikita ko yung reaction nung dalawa. Minsan si Red ang pinag-titripan ko, minsan naman si Cyrus. Ang swerte naman ng bestfriend ko! May dalawang gwapings sa buhay niya.

Ay. Taken na nga pala yung isa. Sayang naman. Pero kung umasta naman ngayon parang hindi taken. Akala mo walang girlfriend. Ang arti ha!

"Na-print ko na yung lyrics ng kanta."

"Sige, papakinggan muna natin ng dalawang beses tapos pakinggan niyong mabuti! Kabisaduhin niyo na kaagad yung tono. After nating mapakinggan eh kakantahin niyo na."

Tumango naman sila. Ang ganda talaga ng kantang ito. Sapul na sapul si Sab! HAHAHA. Pero malay natin baka sapul din kay Cyrus at sa mga ibang taong manunuod ng presentation namin. So, pinakinggan na namin yung kanta tapos kinanta na rin nila Cyrus. Nanginginig pa nga yung boses ni Sab. Nagpipigil siguro itong umiyak.

*ten ten ten tenenenenenen*

"Hhhmmm." May nag-text ata kay Sab. Malamang si Red yun.

"Si Red?" tapos tiningnan ko yung itsura ni Cyrus. Yan ang napapala mo. Haha.

"Yep. Kung anu-ano lang! Ungas talaga itong lalaking ito."

"Ginugulo ka ba?" Bigla namang natanong ni Cyrus.

"Ay, naku! Hindi naman sa ganun."

Tapos tumango lang si mokong. Hohoho. Ang pag-ibig nga naman parang earthquake bigla na lang yayanigin ang mundo mo.

Cyrus' POV

Umalis na rin si Jasmine nung mga bandang 7:30 na tapos ang bilin niya lang sa amin ay kailangan kabisado na namin yung kanta bukas at kailangan naghaharmonize yung boses namin. Kaya kami naman ni Sab ay todo practice. Nahihirapan nga akong mag-start ng conversation kasi ewan ko. Naiinis din ako kasi lagi niyang hawak yung phone niya tapos text ng text. So, ganito na sila ni Red ngayon?

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon