Jasmine's POV
"Hello? Bespren?"
"Jaaaassssss! Ano na ha? Okay ka na ba diyan? I'm super ready na! Siya nga pala ano yung party na pupuntahan natin? Pang-bagets ba?"
"Kumalma ka nga muna diyan. Ang dami mong tanong! Wag kang mag-alala! Pang bagets yun!" Malamang kasi bagets kami tapos isa lang naman ang nakatatanda.
"Okay. Okay. Tawagan na lang ulit kita. Hindi na ba talaga tayo magpapasundo kay Red?"
"Wag na. Mag taxi na lang tayo para kunyari may pang-taxi tayo."
"HAHAHAHA. Sige. Magpaganda ka para kay Red!"
Tengene.
"Ewan ko sayo! Ikaw ang magpaganda! Bawal manang doon!"
"Oo na! Che!"
Walang araw na hindi ako inasar ni Sabine kay Red. Heeelllooooooo? Mamaya matuluyan ako! My gahd! No way, sky way, high way! Hindi pwede! Siguro nga crush ko si Red pero slight lang hindi yung as in crush na crush na gabi-gabi mo nang naiisip! Excuse me! Ako yata dapat ang kumalma.
Hingang malalim
Tumingin ako sa salamin. Maganda na ba ako? Okay ba ang face ko? Mukha ba akong chimay na naglagay lang ng make-up sa mukha?
Eh ano naman? Hindi ko naman moment mamaya. Balak ko kasing mag-drama. Hindi naman na parang Sisa at magsisira ako ng gamit doon. Kunwari sasakit tiyan ko para maiwan silang dalawa doon. Pagkapasok ko sa pintuan eh bigla na lang mamimilipit yung tiyan ko! Yun ang gagawin ko!
Red calling...
"Oi Red."
"Jas, ready na ba kayo?"
"Isa ka pang atat. Oo, nag-aayos na kami."
"See you later"
"See you"
Haaaaayyyy buhaaaayyyy. Kelan kaya darating yung araw na ako naman? Love life ko naman ang poproblemahin ko. Yung araw na ako naman ang pagchichismisan. Yung araw na wala na akong pakialam sa love life ng iba kasi super busy ako sa sarili kong love life. Kailan naman kaya?
Wag kang atat Jasmine! Darating din yung araw na ikaw naman. Bata ka pa naman. Tama! Pero baka 24 years old na ako eh ito pa rin ang sinasabi ko sa sarili ko. Bata pa ako. Hindi ko din alam minsan kasi naiinggit ako kay Sabine kasi may bestfriend siyang katulad ni Cyrus. Crush na crush ko din si Cyrus dati. Hindi nga lang ako yung tuluyang nabaliw. Kaya ayoko ng maulit yun kay Red! Umiyak talaga ako nung naging sila ni Nadine! Mas nagluksa pa ako kaysa kay Sabine. Lokaret nga yung babaeng yun. Parang okay na hindi kaya natatakot ako mamaya magpakamatay na lang yun.
Buti at hindi niya ginawa.
Malapit na rin pala anniv nila Nadine at Cyrus. Tuwing naaalala ko yun eh natatawa ako sa sarili ko. Umiyak ako? Bakit? Kay Cyrus? Yung lalaking yun na napakatanga at napakawalang kwenta. Di ba nakakatawa? Tama nga sila. Yung mga bagay na nagpalungkot sayo noon eh tatawanan mo na lang ngayon.
HAHAHA
Cyrus' POV
"Hey, hon. Saan ka na? Nandito na ako."
"Hoooooonnn! I'm still preparing eh."
"Ha? Sana nagpunta na lang ako sa inyo."
"You know naman na hindi pwede di ba? Baka magalit sila daddy."
"Wala naman dito Daddy mo."
"I know pero yung mga kasambahay kasi eh. Mabuti na rin yung maingat tayo."
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?