You Belong With Me [Chapter 35: Invitation]

1.6K 18 7
                                    

Red’s POV

“Balisa ka ata Red?” tanong ni Jasmine

Wednesday na ngayon pero wala pa rin akong alam kung paano mag-aappear ang isang babae sa harapan ni Mama sa Saturday.

Si Sab na lang kaya? Hindi yun papayag eh. Kung si Jasmine na lang kaya? Nakakahiya naman. Pumick-up na lang kaya ako ng babae diyan sa may Cubao tapos ipakilala ko kay Mama? Ang layo ng Cubao eh. Isa na lang kaya sa mga ex ko na hindi Paula ang pangalan? Nakakainis. Mamaya naman totohanin nila maging kasalanan ko pa.

“Ah wala naman…"

"Ay naku friend! Sabihin mo na sa akin yan! Malay mo matulungan kita? Teka muna. Nakita mo ba si Sab? Kanina ko pa yun hinahanap eh."

Recess kasi namin ngayon buti nga sabay yung recess namin sa recess nila kaya nakikita ko sila minsan. Iba-iba kasi oras ng break namin. Hindi ko pa naman nakikita si Sab. Ewan ko. Wala akong nakikita ngayon. Puro problema na lang kasi ang nasa isip ko. Isa lang naman pero ang epal eh.

"Ah. Di ko nakita."

Tapos bigla siyang tumawa.

"Bakit?"

"Akala ko kasi sasabihin mo 'nasa puso ko'. May problema ka talaga, Red. I can feel it! Si Sab ba?"

Amp. Ganun na ba ako ka-cheesy?

“Wala naman kasi siya sa puso ko.”

“Nasaan?”

“Nasa isip ko.”

“Kaya naman pala ganyan ang itsura mo! Biyernes santo! Crush ka din nun.”

“Weh?”

Ampotek. Kung anu-ano naman itong sinasabi ni Jasmine. Kakainis.

“Joke lang! hehe”

Alam ko naman na yan.

“Si Sab talaga?”

"Hindi. Yung Ermats ko nireto na naman ako sa kung kaninong babae. Gusto niya i-date ko eh ayaw ko kaya nagsinungaling ako na meron na akong gusto."

"Nagsinungaling ka ba? Totoo naman di ba?"

"Ha? Sino?"

"Uhhhmmm. Sige, kunyari na lang hindi ko alam kung sino yung gusto mo."

Tss.

"Basta kailangan may maipakilala ako kay Mama sa Saturday para tigilan niya na ako. Yun nga lang wala akong mapakilala. Maraming options pero syempre mahirap na...."

"Si Sab na lang kaya? Hindi papayag yung bruhang yun eh..."

"Oo nga eh kaya....pwedeng ikaw na lang?"

Jasmine's POV

"Ano?"

Over din naman itong si Red? Ako pa ang niyaya? Jusko naman. Nakakahiya sa Nanay niya noh! Teka! Good choice! I'm the best option! Erase! Erase! No way! Lagot ako kay Sab! Hindi pwede! Wala akong balak agawan ng moment ang friend ko!

"Si Sab na lang..."

"Eh ikaw na!'

Siraulo din naman itong lalaking ito! Wag kang epal. Mamaya mapapayag na ako! Shet! Wag mo akong pilitin! Mahirap tumanggi sa pogi!

"Takte naman, Red! Adik ka? Bakit ako? Mas bagay kayo ni Sab!"

"Walang bagay-bagay dito! Sige na, Jas? Friends naman tayo di ba? Ikaw na lang kasi. Isang beses mo lang naman ito gagawin tapos after nun eh wala na."

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon